ANDRES  BONIFACIO  DAY  MOVED  TO  NOV.  29  THIS  YEAR

MANILA,
November 17, 2004 (STAR) Malacañang declared yesterday Nov. 29 as a non-working holiday instead of Nov. 30.

Executive Secretary Eduardo Ermita, in Proclamation No. 727, explained that the celebration of Bonifacio Day on Nov. 30 would still be observed although it will be a regular working day.

The nation annually celebrates the birth of revolutionary leader Andres Bonifacio, who was born on Nov. 30, 1863.

Since Nov. 30 falls on a Tuesday this year, President Arroyo decided to move the holiday a day earlier to give the workforce a long weekend.

The move was also meant to spur domestic tourism as Filipinos normally take vacations out of town during long weekends.

"All activities and celebrations in observance of Bonifacio Day shall remain to be observed on Nov. 30, 2004, Tuesday," the proclamation said.

It has been a practice by the government since 2002 to move holidays falling midweek to Friday or Monday to boost local tourism.

But while the public rejoices in getting a longer vacation, business leaders complain it has been financially damaging to their companies.

Militant groups are also expected to raise a howl over the proclamation. – Marvin Sy

Cardiovascular Health Fund itatag Pilipino STAR Ngayon 11/17/2004

Hiniling kahapon ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. ang pagbuo ng Cardiovascular Health Fund kung saan kukunin ito sa maaaprubahang sin tax sa sigarilyo.

Ginawa ni Sen. Revilla ang mungkahing ito sa obserbasyon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease Day sa araw na ito.

Ayon kay Revilla, ang COPD ang collective term sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo tulad ng emphysema, chronic bronchitis at arteriosclerosis.

"It is high time that manufactures take responsibility for the negative effects of their products, and for government to take a firm stand on a health hazard affecting its human resources. As the state is burden with the responsibility to protect and promote the right to help of its people and instill health consciousness, this proposal comes at a most opportune time," paliwanag pa ng mambabatas.

Batay sa ulat ng Department of Health, 1 mula sa 5 Pinoy ang naaapektuhan ng sakit na ito habang 1 mula sa 13 Filipino naman ang namamatay kada 13 minuto dahil sa kanilang sakit na nakukuha sa paninigarilyo at umaabot sa 600 milyon ang apektado ng sakit na ito sa buong mundo.

Kabilang sa mga ospital na dapat bigyan ng pondong ito ay ang Philippine Heart Center, Philippine Lung Center, Philippine General Hospital at Quezon Institute kasama na ang mga regional hospitals para matulungan ang mga maysakit na nakuha dahil sa paninigarilyo. (Ulat ni Rudy Andal)

3 pang OFWs dumanas ng pagmamaltrato sa amo Pilipino STAR Ngayon 11/17/2004

Parang bulang naglaho ang pangarap ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan makaraang dumanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa kamay ng kanilang naging among Arabo.

Ang mga distressed Pinay workers ay nakilalang sina Zenny Asab, 26, tubong Maguindanao; Cleofe Micu, 22, ng Cagayan de Oro City at Nurhin Adil, 16, tubong Zamboanga City.

Sina Asab, Micu at Adil ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Lunes ng gabi bitbit sa kanilang dibdib ang mapait na naging karanasan lulan ng Cathay Pacific Airlines flight CX905.

Si Nurhin, isang menor-de-edad, ay namasukan bilang domestic helper sa Kuwait ay pinagtatrabaho umano ng kanyang among Kuwaiti ng mahigit sampung oras at kadalasang ipinakakain ay tinapay lamang at tsaa. Bukod pa sa pananakit sa kanya sa bahagyang pagkakamali lamang hanggang sa nakakita ng pagkakataon upang makatakas at humingi ng tulong sa OWWA Center ng Kuwait.

Habang isang buwan lamang ang itinagal ng pagtatrabaho ni Zenny sa among Lebanese nang tumakas ito matapos siyang pagtangkaang gahasain habang natutulog sa kanyang silid. Sinakal umano siya at pilit na inihiga ng amo subalit dahil sa kanyang panlalaban ay nagawa niyang tadyakan ang ari ng employer at kaagad na tumakas at humingi ng tulong sa Philippine Consulate.

Samantala, hindi umano sapat na pagkain at hindi pagpapasuweldo ang nagtulak kay Cleofe upang lisanin ang tahanan ng among mag-asawang Jordanian na kanyang pinaglilingkuran.

Anim na buwan na umanong hindi pinasusuweldo si Cleofe ng employer at kung ito ay kanyang sisingilin ay pinagbubuhatan siya ng kamay. (Ulat ni Butch Quejada)


Reported by: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2004  by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE