SCHOLAR  SA  SENADO

MANILA,
July 14, 2004  (PilipinoSTAR) BANTAY KAPWA Ni Cielito "Mahal" Del Mundo  -  GOOD news ito sa mga estudyanteng mahihirap ngunit matatalino. Isang "scholarship" ang ino-offer ng senado para sa kanila.

Mismong si Senador Ramon Magsaysay Jr. ang nag-anunsyo na special offer na ito para sa mga scholars ng Senado. Ang Scholarship Program na ito ay nasa pagtataguyod ng Ramon Magsaysay Foundation sa pakikipag-ugnayan sa Meralco at iba pang kompanya at socio-civic groups.

Handog ng naturang scholarship ay ang mga short term courses gaya ng automotive applied, applied arts and sciences, electrical and mechanical training, at iba pa. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring personal na sadyain ang Senate Office ni Sen. Ramon Magsaysay Jr. at tumawag sa telepono 5526767.

Matatandaan na isa sa adhikain ni yumaong President Magsaysay na tinaguriang "Man of the Masses" ang nagbigay ng libreng edukasyon at scholarship grants sa mga deserving students na mahihirap. Si Magsaysay ay maka-mahirap mula rin siya sa tinatawag na simple beginning. Siya ay isang mekaniko. Pinakamamahal siyang pangulo at idolo ng masa. Bilang pagdakila sa yumaong presidente ay inilunsad ang Ramon Magsaysay Awards kung saan ay binibigyan ng gawad-parangal ang mga natatanging mamamayan ng mundo.


Reported by: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2004  by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE