RICHARD GOMEZ, DAWN ZULUETA EXCITED TO WORK WITH JOHN LLOYD CRUZ




MANILA
, JULY 29
, 2013
(ABS-CBN) by Krissa Donida - Parehong kinumpirma ni Richard Gomez at Dawn Zulueta (photo above) na tuloy na ang pelikula na pagsasamahan nilang dalawa na parte ng 20 years celebration ng Star Cinema at pareho na rin silang pumirma ng kontrata para sa nasabing pelikula at ibinahagi ng dalawa ang kanilang excitement sa kanilang pinakabagong proyekto kung saan makakasama nila sina John Lloyd Cruz at Jessy Mendiola.

Isang karangalan para kay Dawn aniya ang mapabilang sa ikadalawampung anibersaryo ng Star Cinema. Sabi pa ni Richard, “I feel proud being part of the 20th anniversary. What a great year ano? What a great time to be with Star Cinema – ako, Dawn, John Lloyd… it’s really nice, exciting.”

Ibinahagi din ni Richard ang kanyang kasiyahan sa pinakabagong pagbibidahan nila ni Dawn, “Very excited kasi from the success of Walang Hanggan and then ngayon may movie na kami ulit.” Maging si Dawn ay di mapigil ang sayang nararamdaman tungkol ditto. “Ako rin, excited din ako and matagal na kasi tayong hindi gumagawa ng pelikula.

Actually noon Goma, ang ginagawa natin together were movies tapos biglang gumawa tayo ngayon lang ng teleserye tapos naging ganoon pa ka-successful, ikinagulat namin. So ngayon naman na babalik ulit kami sa dati naming gawin which is movie, I’m excited and at the same time kind of nervous kasi syempre parang 20 years in the making ‘to (laughs). Medyo matagal.”

Nagbigay din ng konting pasilip si Dawn sa kanilang mga tagahanga kung ano ang aabangan ng mga tao sa kanilang pelikula, “Well, from what we’ve gathered sa story pitching today, it is a family drama na love story and it’s like past lovers kami that we’re trying to save our marriage, trying to bring back yung love.”

Excited din ang itinananghal na All-time Favorite Love Team na makakasama din nila sa inaabangang pelikula sina Jessy Mendiola at ang tinaguriang Box-Office King na si John Lloyd Cruz. Ayon kay Dawn, “I’m very excited ‘cause I’ve been really wanting to work with John Lloyd and si Jessy naman I’ve seen her already. Naging successful naman yung ginawa niyang teleserye so both of them, I’m excited to work with”, na sinuportahan naman ni Richard, “I am happy to work with John Lloyd kasi last time na nagkasama kami sa project, Palibahasa Lalake pa yun. Mga bata pa kami noon, so ngayon medyo nagka-edad kami ng konti, magkasama nanaman. But yung genre namin, was comedy but this time, it’s a serious movie.”

Kasabay ng kanilang pelikula, kinumpirma din ni Richard at Dawn na muli silang magbibida sa isang teleserye at lahat naman ng ito ay dahil sa kanilang mga taga-hanga sa patuloy na pagsuporta sa kanilang tambalan. Kaya naman may mensahe din ang dalawa sa mga walang sawang sumusuporta sa kanila simula pa noon. “Sa lahat ng mga fans namin lalong-lalo na sa laha tng mga Char-Dawnians na fans, abangan po ninyo ang pelikula na gagawin namin ni Richard under Star Cinema. In the next couple of weeks, marami pang mga detalye at information ang maibibigay namin sa inyo but we’re very thrilled that we’re finally going to have a movie again,” sabi ni Dawn. Dagdag pa ni Richard, “Yan yung mga fans namin na matagal nang naghahangad, nag-eexpect na makagawa kami ng movie pagkatapos ng Walang Hanggan, nandito na, matutuloy na so abangan ninyo.”

Dawn Zulueta admits she is excited about upcoming movie with Richard Gomez 5/21/2013 9:54 AM by: Rhea Manila Santos

After almost two years in the works, Kapamilya actress Dawn Zulueta (photo) admitted that her much-anticipated reunion movie with former flame Richard Gomez will finally come to fruition.

The two were first paired in the 1991 romantic flick Hihintayin Kita Sa Langit where she won a FAMAS award for Best Lead Actress. “Yes, matutuloy din yung pelikula namin with Richard Gomez sa Star Cinema.

Right now tinatapos namin ang taping ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin so were waiting for the airing of that teleserye,” she shared backstage after making a guest appearance in Vice Ganda’s sold-out concert i-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Araneta last May 17 at Araneta Coliseum, Quezon City.

During Vice Ganda’s show, Dawn took the stage in a form-fitting gown and sung a duet of “Unforgettable” with the popular comedian.

The 44-year-old actress admitted she enjoyed the funny banter she had with Vice before and after their number where she showed that she could also do the popular dance move Gwiyomi. “First of all, let me say it’s such an honor na pinili niiya ako to be one of his guests here sa Araneta kasi alam naman natin na tuwing lumalabas si Vice talagang pinupuntahan siya ng lahat ng tao at nakita naman natin yung full ang buong Araneta talaga dahil sa kanya,” she admitted.

Dawn said she has developed a close friendship with Vice. “Talagang napamahal na talaga si Vice sa akin eh and parang through the year that I’ve known him and we became friends, napaka-supportive din niya sa career ko. eh siya nga yung nagpaandar nung ‘i-Dawn Zulueta mo ako!’ hindi ba? (laughs). Naging friends na talaga kami kaya hindi ako nagdalawang isip,” she explained.


Chief News Editor: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2012 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE