TAGALOG TEXT: KATRINA HALILI, INAMIN ANG BALITANG BUNTIS SIYA

MANILA,
MARCH 25,
2012 (GMANEWS TV)
Nagsalita na ang Kapuso sexy star na si Katrina Halili tungkol sa mga naglalabasang balita na buntis siya.

Sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, kinumpirma ni Katrina sa exclusive interview ng TV host at showbiz columnist na si Ricky Lo, na tatlong buwan na ang baby sa kanyang sinapupunan.

Ayon sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan, marami na umano ang nakakapansin na lumalaki na ang tiyan ni Katrina lalo na sa set ng My Beloved kung saan siya kabilang.

Kwento ng aktres, nang malaman niya na buntis siya, sinarili muna niya ito at pinalipas ang isang linggo bago niya ipinaalam sa kanyang pamilya.

[PHOTO - HAYDEN KHO-KATRINA HALILI SCANDAL]

Aminado si Katrina na malaking pagsubok ang kanyang kakaharapin sa bagong yugto ng kanyang buhay dahil magkakaroon na siya ng responsibilidad bilang ina.

“Actually yun nga po muna ang naisip ko parang ano, ready na ba ko? Na parang ibang tao na ang iisipin ko," ayon sa aktres na itinuturing biyaya ng Diyos ang kanyang pagbubuntis.

Suportado naman ng mga malalapit na kaibigan – gaya nina Mark Herras at Kris Bernal – ang naging desisyon ni Katrina.

“Marami kang pinagdaanan, maraming nangyari sa’yo na hindi maganda at maganda, pero feel ko ito na yung pinakamagandang blessing sa’yo ni Lord," ayon kay Kris.

Maging si Direk Gina Alajar, na naging ina ni Katrina sa isang soap ay labis na natuwa sa naging desisyon ng aktres na ituloy ang ipinagbubuntis.

“Masaya na ako because finally merong lalaki na nagmamahal sa’yo nang tunay," pahayag niya.

Ang malaking tanong ngayon ay kung sino ang ama ng baby ni Katrina. Malalaman ang sagot sa buong panayam ni Ricky na mapapanood sa Startalk TX sa Sabado. – FRJimenez, GMA News

VIDEO:

Katrina Halili, inaming si Kris Lawrence ang ama ng kanyang baby Date posted: Mar 24, 2012 6:52pm Reporter: Grace Lee

 

 

 

 

 

 

 

 

[PHOTO - KATRINA WITH BF KRIS LAWRENCE]

 


Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2012 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE