CHERIE GIL HIRAP NA MAGSALITA

MANILA, JULY 30, 2011 (PilipinoSTAR)
 ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles - Hindi na naman natuloy ang matagal ng plano ni Cherie Gil na magpa-opera ng kanyang throat dahil sa Time of My Life.

Hindi niya matanggihan ang project na tungkol sa sayaw dahil love niya ang sumayaw at first love niya ito.

Balak din niyang mag-aral ng Tango sa Argentina na hindi rin natuloy dahil sa danseryeng magsisimula mapanood sa Monday, August 1.

Ang dami raw niyang dance number at isa sa pinapaabangan ay ang dance number niya with 150 female inmates ng Women’s Correctional at ang tugtog ay Edge of Glory ni Lady Gaga.

“Pero last na ‘to, after Time of My Life, magpapa-opera na talaga ako. Nahihirapan na akong magsalita. Hindi ko lang ma-resist ang project, this is a dream come true for me because I love dancing.”

Kinumusta kay Cherie si Andi Eigenmann at tama namang kakikita lang niya sa pamangkin last Sunday sa salu-salong ipinatawag niya. “Wala akong ibinigay na advice sa kanya, just a big hug and acceptance, that’s all.”

Direktor ng dating Survivor babu na sa GMA 7

Hindi deretsahang sinagot ni Richard Gutierrez ang tanong ng press kung totoong bago na ang director ng Season 4 ng Survivor Philippines na muli niyang iho-host. Ang sabi lang nito, he’ll be working with a new team, kaya bago at mas mahirap ang challenges na haharapin ng castaways.

Sinabi na sa amin ang pangalan ng bagong director ng Survivor Philippines, pero saka na namin papangalanan at hindi pa yata puwede. Ang masasabi lang namin, homegrown GMA 7 director siya at may hawak na shows ngayon sa network.

Ang inaalam namin ay kung totoong lumipat sa TV5 ang dating director ng Survivor Philippines at ito raw ang magdidirek ng remake ng P.S. I Love You.

Samantala, nakataas na ang billboard ni Richard ng Flawless commercial at na-capture ang kagwapuhan ng actor.

GMA 7 co-prod sa movie nina Juday at Ryan

Pare-parehong may movie sa Metro Manila Film Festival ang tweens ng GMA Artist Center at GMA 7, kaya tuluy-tuloy ang kanilang trabaho.

Magkakasama sa Panday 2 sina Barbie For­teza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jake Vargas at Alden Richards. Kasama naman sa My House­hus­band ng OctoArts Films sina Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Excited ang mga bagets dahil kung sina Barbie, sina Sen. Bong Revilla, Iza Calzado, at Marian Rivera ang makakasama sa Panday 2, ang grupo nina Derrick, sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos naman ang makaka-eksena.

Sa pagpasok ng GMA Artist Center sa pelikula ng OctoArts Films, parang gusto naming maniwala sa tsikang co-producer ni Orly Ilacad ang GMA Films sa MMFF entry nila.

Ito siguro ang rason kung bakit nagkaroon ng meeting ang bossing ng GMA Films kay direk Joey Reyes.

Ibig bang sabihin nito, magpo-promote ng movie sa GMA 7 sina Ryan at Judy Ann?


Chief News Editor: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2011 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE