TAGALOG-ENGLISH NEWS:  MARICEL HINDI MAHANAP! (WHERE IS MARICEL?)

MANILA, JULY 3, 2011 (PilipinoSTAR)
 TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - Nagtataka ako sa biglang paglitaw ng nega news tungkol kay Maricel Soriano. Masiglang-masigla at very positive ang aura ni Maricel nang mag-guest siya sa Party Pilipinas kamakailan lang kaya nakakagulat ang mga tsismis na may bisyo siya at nanakit ng mga kasambahay.

Gustung-gusto ng mga reporters na makuha ang panig ni Maricel pero walang nakakaalam kung saan siya makokontak. Wala na ring komunikasyon si Maricel sa mga tao na dating malalapit sa kanya.

Hindi ko rin alam ang contact number ni Maricel pero aware ako na nakatira siya sa Rockwell, Makati City. Wala namang reporter na maglalakas-loob na puntahan si Maricel sa condo unit nito sa Rockwell dahil hindi sila makakalusot sa mahigpit na security ng building.

I should know dahil kapag dinadalaw ko noon si Nanette Medved sa kanyang sosyal na condo unit sa Rockwell, tinatawagan pa siya ng mga security guards para sa proper clearance.

Nozomi fan na fan ni Charice

Tinulungan ko si Annie Ayroso na ipakilala sa entertainment press ang kanyang talent na si Nozomi Moriwaki.

Fourteen years old pa lang ang Fil-Japanese na nangangarap na maging singer sa Pilipinas.

Mahusay si Nozomi na magsalita ng Tagalog, English, at siyempre, ng Japanese dahil Hapon ang kanyang ama.

Pumapasok si Nozomi sa isang sosyal na private school pero hindi makakaapekto sa pag-aaral niya ang kanyang showbiz dreams.

Hindi puwedeng pagtaasan ng kilay ang bagets dahil si Vehnee Saturno lang naman ang composer ng mga kanta niya sa kanyang debut album.

Marami nang hit songs ang multi-awar­ded songwriter at hindi kumpleto ang singing career ng isang mang-aawit kung hindi sila naigagawa ni Vehnee ng kanta.

May anim na kanta ang debut album ni Nozomi na composition lahat ni Vehnee - Before I Reach Sixteen, Not Another Sad Song, Mali Pala, All I Wanna Do, You Were Right, at Crush Kita, Love Kita.

Big fan ni Charice si Nozomi. Kasama sa pangarap ni Nozomi na makilala nang personal ang international Pinay singer.

Inaalam ko nga ang pagbabalik ni Charice sa Pilipinas para ma-meet siya ni Nozomi. May balak ang GMA 7 na bigyan uli si Charice ng isang TV special at kapag natuloy ito, papupuntahin ko si Nozomi sa taping.

Mayor ng Davao parang si Pacman manuntok

Parang action movie ang napanood ko sa 24 Oras noong Biyernes ng gabi. Ang pagkakaiba lang, nangyari sa totoong buhay ang panununtok ni Davao City Mayor Sara Duterte (photo) kay Davao Regional Trial Court Sheriff Abe Andres.

Nakunan ng TV camera ang pangyayari kaya ito ang headline ng mga television news at diyaryo.

May mga humanga sa katapangan na ipinakita ni Inday Sara pero marami rin ang nadismaya dahil gumamit siya ng karahasan. Naawa ang mga tao kay Andres na nagkaroon ng black eye dahil sa malalakas na suntok ng matapang na mayor. May balita pang pinosasan din ang pobreng sheriff na tumutupad lamang sa kanyang tungkulin.

Ang eksena na mala-pelikula ang pinag-uusapan ng lahat at dahil sa ginawa ni Inday Sara, binansagan siya na babaeng Manny Pacquiao.

Nova hindi nababakante

Hindi nabakante si Nova Villa dahil nang matapos ang Nita Negrita, nabigyan agad siya ng bagong project, ang Futbolilits.

Mabait na lola ang role ni Nova sa Futbolilits. Sa lahat ng lola, si Mama Nova ang bagets looking dahil parang hindi nagkakaedad ang kanyang mukha. Very lucky si Mama Nova dahil nakakapamangka ito sa dalawang ilog, may regular show siya sa GMA 7, mainstay pa siya ng sitcom ng TV5.

FROM GMA NEWS TV

After slugging sheriff, mayor's ire smacks Davao courtMARK D. MERUEÑAS, GMA News 07/02/2011 | 02:48 PM

[PHOTO - FAST AND FURIOUS Mayor Sara Duterte, popularly known as Inday Sara, is about to throw a punch at Davao City Sheriff Abe Andres, who refused to grant her request to delay the demolition of squatters’ shanties on Friday. Below is a series of videograbbed photos of Mayor Duterte punching the sheriff. Contributed photo/ABS-CBN DAVAO]

Davao City Mayor Sara Duterte's fury over a violent demolition of houses in her city apparently did not end with the punching of a court sheriff on Friday as it may have "spilled over" to the entire local judiciary.

Duterte, who succeeded her father Rodrigo Duterte as the local chief executive, has decided to terminate all the assistance the local government is extending to the Davao City Hall of Justice.

The mayor was quoted in a SunStar Davao report as saying she arrived at the decision because of court sheriff Abe Andres' refusal to heed her request to push back a scheduled demolition operation by two hours, until she arrived at the site on Friday.

Obviously frustrated by the violence that had erupted at the demolition site while she was not around, Duterte summoned Andres and landed at least four jabs in the court sheriff's face and head – in full view of the media.

Andres had said he would not be filing charges against Duterte, but maintained he was merely doing his "ministerial job" of serving the demolition order.

The order was issued by Judge Manuel Carpio of the Regional Trial Court Branch 16, who is a relative of Duterte's husband.

Duterte refused to give a ballpark figure as to how much assistance her office is giving to the local court. But among the things being provided by the Davao government to the local court are gasoline allowances and job order employees, the SunStar report said.

The punching incident has already spurred a slew of debate on social networking sites such as Facebook and Twitter – some lauded the mayor for her action, while others criticized her action as unbecoming of a public official. [See related story: The punch heard around the (social media) world]

Investigations

Both the Department of Interior and Local Government and the Commission on Human Rights will be starting separate investigations on the incident to determine if there was an abuse of power and human rights violation. [See related story: Sara Duterte could lose her job due to mauling incident -DILG]

The Sheriff Confederation of the Philippines has already condemned Duterte's actions and threw support to Andres, saying it would be willing to assist him in case he changes his mind and decides to file charges against the mayor.

"Mali [ang ginawa ni Duterte] kasi the sheriff is only implementing a court decision," said Cecil Bañez, auditor of the SCP, in a report on GMA News TV Live's Balitanghali

Quezon City court sheriff Carol Bulacan, meanwhile, reiterated that the job of a sheriff was purely ministerial. "Ang sheriff trabaho lang minsiteriial hindi porket handed ka ng writ you can act what you want," she said.

Relief ops

Meanwhile, despite the punching incident on Friday, Duterte resumed with her duties on Saturday and met with officials of the Department of Public Works and Highways, including Sec. Rogelio Singson, to draw up plans on how to prevent floods from ravaging the city in the future.

In a separate report on Balitanghali by Bernadette Reyes, Singson – during an inspection of the bridges in the city – said he discovered that the river beneath the Matina Bridge had already gone narrower and could be the culprit for the flooding in the area.

Singson said rocks and agricultural wastes have caused the width of the river to shrink from 26 meters to just around 15 meters.

In a interview on GMA News TV's State of the Nation with Jessica Soho on Friday night, Duterte said while there are dikes around the area, these do not cover the entire river.

"Ito pong Matina-Pangi River ay ine-expect po na mag-o-overflow. Meron pong mga area diyan dati na binabaha talaga. So merong portions na may flood control projects but hindi po yung kabuuan ng river ang merong dike," she said.

Meanwhile, Duterte has already kept mum on the punching incident upon the advise of her lawyers and her father, Rodrigo.

However, she said she was "open to the possibility" of personally speaking with Andres and possibly giving her apologies for the incident "at the right time." — LBG, GMA News


Chief News Editor: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2011 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE