NAG-IIPON NA, ANGEL BIBILI NG SARILING EROPLANO!
[PHOTO AT LEFT - ANGEL LOCSIN]
MANILA, MARCH 13, 2010 (STAR) SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio - It seems nagkakaroon ng playboy image ang dating tahimik na si John Lloyd Cruz. Mabuti na lamang at ‘di naapektuhan ang balikan ng tandem nila ni Bea Alonzo na Miss You Like Crazy dahil humataw naman ito sa takilya.
Kung dati, panay ang pagtatago nina Lloydie at Ruffa Gutierrez, walang ganito sa kanila ni Shaina Magdayao. Para pa ngang proud sila na makitang magkasama in public. Ang siste mo, walang isa man sa kanila ang aamin sa kanilang relasyon.
Kapag siguro nag-break na sila, saka pa lamang sila aamin.
* * *
Walang pag-aalala ang ABS-CBN at GMA 7 sa pagiging aktibo ng TV5 ngayon dahil hindi sila ang makakalaban nito kundi ang mga sister stations nilang QTV 11 at Studio 23. Sa kasalukuyan, nagpapaganda na rin ng kanilang programming ang dalawang nabanggit na istasyon. Sinasamantala ng QTV 11 ang pagiging maluwag ng ABS-CBN sa pagpapahiram ng kanilang mga artists kung kaya bukod sa Singko ay nakakapanood na rin ng mga Kapamilya sa mga palabas ng QTV. Isang bentahe ito ng QTV 11 dahil nakapag-iimbita sila ng Kapuso at Kapamilya artists samantalang bawal ang mga Kapuso maski magguest lamang sa Dos o sa sister station nito.
* * *
Sana nga, tuluy-tuloy na ang pangangampanya ni Richard Gomez bilang kandidato sa Kongreso sa Ormoc. Kinukuwestyon kasi ang kanyang residency sa bayan ng kanyang asawang si Lucy Torres ng kanyang mga kalaban. Ibinibigay nilang dahilan ang pagkakaroon pa niya ng bahay sa Maynila na inaasahan yata nilang bibitawan niya para sa kanyang kandidatura. Gusto ba nilang sabihin ay mangupahan pa ito kapag nahalal na kongresista at kailangang magtrabaho rito sa Maynila?
Masaya sila!
Sana rin manalo na this time si Goma dahil na-deprive na siya sa kanyang victory nang tumakbo siya sa partylist na MAD (Mamamayan Ayaw sa Droga).
Richard will definitely make a good public servant at kailangan sa Kongreso ng isang tulad niya na may sariling isip at hindi basta-basta mapapapayag sa kanilang gusto.
* * *
Mukhang bus ang nauusong sasakyan ng mga artista ngayon.
Nung araw may bus kaming sinasakyan nina Imelda Papin kapag pumupunta kami ng mga probinsiya para sa kanyang mga concerts. May kama at comfort room ito sa loob pero walang kitchen na tulad ng mga nauusong personal buses ngayon na nadidibisyunan ng bedroom /kitchen/dining at living rooms combined.
Mayroon na nito sina Jolina Magdangal, Judy Ann Santos, Kris Aquino at Gretchen Barretto. Pinaka-huling nagpagawa ng kanilang mga bus sina Angel Locsin at Diether Ocampo.
Parehong madadala nina Angel at Diet ang kanilang mga bus sa kanilang mga shooting at tapings. Habang nag-iipon pa si Angel ng pambili ng private plane na need niya sa pagdi-distribute ng mga goods kung may kalamidad, ang bus na muna niya ang sasakyan niya para sa ganitong pangangailangan.
Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2010 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved