TAGALOG NEWS: YAYA BA SI CRISTINE? NG ANAK NILA NI DENNIS - CARLENE
MANILA, JANUARY 17, 2010 (STAR) TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated January 17, 2010 12:00 AM
Natawa naman ako sa sagot ni Carlene Aguilar na “Yaya ba?” dahil sa tanong ni Joey de Leon kung kinukuha ba sa kanya ni Cristine Reyes ang anak nila ni Dennis Trillo na si Calix.
Ang sey ni Carlene, minsan lang nagkasama si Cristine at ang kanyang anak kaya hindi close ang dalawa.
Pabiro ang sagot ni Carlene na “Yaya ba siya?” kaya walang dapat ika-offend si Cristine ha?
Ang feeling ko kasi, may mga reporters na magtatanong kay Cristine tungkol sa pabiro na statement ni Carlene. Mabuti sana kung maayos ang pagtatanong. Paano kung may halong pang-iintriga?
* * *
Huwag na kayong mag-expect na magiging malaki pa ang isyu nang pakikipag-usap ni Kris Aquino kay Mayen Austria, ang fan ni James Yap.
Nagbigay na si Tetay ng official statement sa mga news programs. Ayaw na niyang palakihin ang isyu dahil nagkakaroon na ng kulay pulitika.
Pero siyempre, interesado pa rin ang mga tao na makita ang hitsura ni Mayen. Ang sey ng aking source, hindi nagkakalayo ng edad sina Mayen at Kris. Higit sa lahat, walang dapat ika-insecure si Kris dahil lamang na lamang siya kay Mayen sa maraming bagay. Why not? Kris Aquino is Kris Aquino!
* * *
Belated happy birthday kay Sandy Andolong na nag-celebrate kahapon ng kanyang kaarawan.
Walang plano si Sandy na magkaroon ng party pero ang mga “legends” ang naghanda para sa kanya!
Legends ang tawag sa grupo ng mga close friends ni Sandy. Kasama sa Legends sina Lorna Tolentino, Amy Austria, Isabel Rivas, Gina Alajar, etc.
Good health ang birthday wish ko para kay Sandy na muling mapapanood sa TV remake ng Gumapang Ka sa Lusak. Never nawalan ng project si Sandy sa Kapuso network huh! Ganyan siya ka-love ng production staff dahil Miss Amity ang aking alaga!
* * *
Warning sa lahat ng girls ang sinabi ni Jinkee Pacquiao, hindi niya ipinamimigay ang kanyang asawa!
Sa madaling-salita, walang maaasahan ang mga babae na nagpapa-charming kay Manny dahil hinding-hindi ito bibitawan ni Jinkee.
Marami nang girls ang na-link kay Manny pero hanggang ngayon, matatag ang relasyon nila ni Jinkee. Talagang malaki ang partisipasyon ng mga babae para magtagal o maging forever ang pagsasama nila ng kanilang mga asawa.
* * *
Naloka naman ako kay Jackie Rice nang mag-guest siya kahapon sa Startalk. Muntik na niyang agawin ang trono ko dahil ang dami-dami ng kanyang mga binati.
Umapir si Jackie sa Startalk para i-promote ang January 2010 issue ng FHM dahil siya ang cover girl. Ang ending, super bati sa kanyang mga sponsors ang ginawa niya!
Nineteen years old na si Jackie na nag-promise na magiging seryoso na siya sa kanyang work. Wala siyang boyfriend kaya tumaas ang kilay ng mga nakakaalam sa kanyang lovelife. Sa ganda ni Jackie, mawawalan ng boyfriend? Hindi believable ’no!
Janice, Gelli inggit sa TF ni Carmina?! THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) Updated January 17, 2010 12:00 AM
May ipinagawa palang documentary si Loren Legarda sa award-winning director na si Brillante Mendoza tungkol sa climate change. Nakatakda itong i-release in time for the senator’s birthday on Jan. 28 o kaya naman ay sa Valentine’s Day. Naglalayong buksan ng docu ang isipan ng mga Pilipino sa pakikibaka natin sa climate change.
* * *
Sa mga baguhang Kapamilya, natutuwa ako na mabigyan ng kanyang big break si Bangs Garcia. Nakuha niya ang role na hindi tinanggap ni Roxanne Guinoo sa TV masterpiece ni Chito Roño, ang Magkano Ang Iyong Dangal, unang ginampanan sa pelikula nina Zsa Zsa Padilla at Christopher de Leon. Ginagampanan ni Bangs ang role ng isang babaeng nahahati ang puso sa dalawang lalaki na ginagampanan naman nina Sid Lucero at Rayver Cruz.
Mukhang hindi lamang si Bangs ang mabibigyan ng hamon sa teleserye kundi ganundin si Rayver. At si Sid ang magbibigay sa kanila ng pinaka-matinding hamon.
* * *
Mukha talagang magpapatuloy ang pag-angat ng career ni Gabby Concepcion. Nakipagbati na rin siya o nagkabati na sila ng matagal niyang nakagalit at nakalaban sa korte na si Mommy Rose Flaminiano.
Ito lamang naman talaga ang kailangan para mawala ang balakid sa kanyang pagtahak sa higit pang tagumpay.
Hinihintay na lamang ng lahat ang pagsasama-sama nila sa iisang proyekto nina Sharon Cuneta at KC na ipinalalagay ng lahat na magiging pinakamalaking blockbuster sa kasaysayan ng Philippine movies.
* * *
Ewan ko lang kung magpo-prosper yung intriga na sinisimulang likhain between the De Belen sisters, Janice and Gelli and Carmina Villaroel. Nag-ugat ito sa diumano’y mas mataas na TF na inoffer ng GMA7 kay Carmina kesa kina Janice at Gelli para lamang mapigilan ang paglipat ni Carmina sa Kapamilya network kasama sina Zoren Legaspi at ang kambal niyang sina Casey at Maverick.
Sana naman hindi dahil walang kinalaman dito ang mga nabanggit na artista. Ito ay labanan ng mga talent managers nila na siyang nakikipag-negotiate pagdating sa TF.
Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2010 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved