PINOYSHOWBIZ:  IWA  INSECURE  BA  SA  PAGBIBIDA  NI  KATRINA?


MANILA
, APRIL 27,
2008 (STAR) TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis - Limang milyong piso na halaga ng trailer ng Ploning at hindi limang milyong piso pala ang offer ng ABS-CBN kay Judy Ann Santos.

Nang umapir kahapon si Juday sa Startalk, ipinagtapat niya na true ang balita tungkol sa offer ng kaniyang home studio pero hindi niya tinanggap dahil committed na sila sa GMA 7.

Ang GMA 7 ang nilapitan ni Juday para mai­palabas sa Kapuso network ang trailer ng Ploning na siya rin ang produ.

Nilinaw din ni Juday na hindi totoo na may tampo siya sa Star Cinema dahil magkasabay ang playdate ng When Love Begins at Ploning sa April 30. Bilang negosyante, naiintindihan daw niya ang sitwasyon dahil normal sa mga pelikula na magkasabay ang pagpapalabas sa mga sinehan.

* * *

Never ending talaga ang kuwento tungkol sa magulong love affair nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Ang sey ng doktora ni Jennylyn, nasa kritikal na kondisyon ang kanyang pagbubuntis at posibleng stress ang dahilan.

Inamin naman ni Jennylyn na talagang stressed-out ito kay Patrick na wala raw malasakit sa kanya at hanggang ngayon eh ginugulo siya.

Nagmukhang kontrabida si Patrick sa mga siney-sey ni Jennylyn. Sagutin kaya ng aktor ang mga anti-Patrick statements ng kanyang girlfriend o paiiralin niya ang mahabang pasensya?

Malaki na ang tiyan ni Jennylyn at unti-unti nang nagbabago ang kanyang itsura. May mga humuhula na baka lalaki ang maging panganay nila ng ex-bf.

* * *

Makakatulong ang iringan kuno nina Iwa Moto at Katrina Halili para umingay ang TV remake ng Magdusa Ka.

Bida si Katrina sa Magdusa Ka at isyu ang sinabi ni Iwa na hindi siya bagay na maging bida.

May-I-explain si Iwa Motto na walang malisya ang kaniyang sinabi. Nasanay lang siya na kontrabida ang mga roles ni Katrina Halili.

Asahan natin na magiging big issue ang word war nina Katrina at Iwa hanggang hindi naipalalabas sa TV ang Magdusa Ka!

* * *

Mama Salve, true ba na buntis ang Viva Hotbabe na si Ella V.? Nabasa ko ang balita sa column kahapon ni Papa Ricky Lo. Hindi raw makakasama si Ella sa US tour ng Viva Hotbabes dahil buntis nga siya.

Matagal nang missing in action si Ella kaya pinaniniwalaan ko ang balita ni Papa Ricky. Ang tanong, sino ang fadir ng sanggol na ipinagbubuntis ni Ella?

o0o

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Mrs. Rosario Manzano, ang butihing ina ni Edu Manzano na sumakabilang-buhay kahapon.

Ngayong umaga ang umpisa ng lamay para sa nanay ni Edu sa San Martin De Porres Church, United Hills Village, Parañaque at bukas, ililipat ang kaniyang labi sa Sanctuario de San Antonio Funeral Chapel sa Forbes Park, Makati City. Nakatakda ang kaniyang libing sa Miyerkules, April 30.

Angeli natanggal sa PAMI dahil kay Heart? Sunday, April 27, 2008

SEEN: May text message ang talent manager na si Angeli Pangilinan para sa kanyang ex-alaga na si Heart Evan­gelista na umiikot sa mga cellphones. Ito daw ang ugat ng galit kay Angeli ng kanyang fellow talent manager na si Shirley Kuan:

The guy Jun Lalin who wrote about disowning u if u didn’t leave us & questioning ur personal finances is the publicist of Annabelle Rama. So now we know why it boggled our minds why a blind item as specific as that came out in papers. They didn’t need 2 malign me in the process. Sad but that’s life. Ur parents aren’t showbiz as ur mom says. But Annabell is & Shirley is. Ther non-exclusive agent 4 commercials. Shirley had me kicked out of Pami Heart.

Shirley is KC’s (Concepcion) co-manager. Guard your heart, yes. The word ethics coms 2 mind. Wat ur parents did to Genesis & ABS-CBN will go down in history as the lowest of ethics in order 2 strike a good deal. But people don’t need 2 know bcuz we’r not that way. Pera-pera lang ’yan. As people say, let’s all move on.

SCENE: Nagalit si Shirley Kuan sa text message ni Angeli kay Heart na nakarating din sa kanya. Grabe ang sagot ng talent manager na pinararatangan ni Angeli na nagpatalsik sa kanya bilang miyembro ng PAMI:

I am sending u text of Angeli to her former talent, Heart Evangelista, where in one sweep eh siniraan niya si Annabelle Rama, Jun Lalin, Heart’s parents, and surprisingly, AKO! I have no idea and still could not comprehend WHY and WHY ME!!!

I have no connection with Heart in any way, real or imagined but I guess Angeli’s m____s mind goes beyond that realm!

Please share with the entire PAMI bcoz Angeli accused me of singlehandedly having her kicked out of PAMI. I think we need to remind her of the truth since she is adamant about spreading lies!

Horrors!!! This is solid proof of how Angeli could be so wildly m____s and disgustingly unethical. And how very unChristian of her to feel bitter that a family is now back in each other’s arms and still trying to poison Heart’s mind about her parents. She is so desperate. Let the world be warned once again of this creature lurking about in our midst. Shameless!

SEEN: Pilita Corrales, Carmen Pateña at Carmen Soriano sa Pilita’s Restaurant sa Greenhills noong Biyernes nang hapon. Sa edad na 60 plus, maganda pa rin ang katawan ng mga beteranang mang-aawit. Mapapanood ang tatlo sa repeat ng kanilang concert, ang Golden Divas, sa May 30, SMX Hall ng Mall of Asia

SCENE: Foul ang biro kahapon ni Joey de Leon sa Startalk na kakanta si Alyssa Alano sa burol ni Oprah (Winfrey). Pangit ang joke ni Joey at kung ang pangalan niya ang ginamit sa ganoong tipo ng biro, imposible na hindi siya magagalit. Taga-hanga ni Joey ang Seen Scene, ngunit kahapon ay nabawasan ang respeto sa kanya ng PSG (Pilipino Star Gossip Group).

SEEN: Walang chemistry ang loveteam nina Mark Herras at Rhian Ramos. Pilit at walang kilig!


Chief News Editor: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2008  by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE