PILIPINO STAR: GABBY HINDI TOTOONG NAGING ROOMBOY SA AMERIKA
MANILA, APRIL 7, 2008 (PilipinoSTAR) TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis - Walang problema sa amin ni Papa Joey de Leon. Huwag ninyong seryosohin ang walk-out na ginawa niya sa Startalk noong Sabado dahil sinabi ko na mas mahal ko si Gabby Concepcion kesa sa kanya.
Baka na-disappoint lang si Papa Joey dahil inaasahan niya na siya ang pipiliin ko.
In fairness to Gabby, parang anak ang trato ko sa kanya at tumagal din ng 14 years ang aming business relationship.
Actually, hindi nga business relationship ang tawag doon dahil anak-anakan nga ang turing ko sa kanya.
Iba naman ang level ng love ko kay Papa Joey na true friend through thick and thin. Intindihin na lang natin siya sa kanyang walk-out drama dahil knowing Papa Joey, can’t afford siya na matiis ako. Ako pa?
* * *
Hindi totoo ang tsismis na nagtrabaho si Gabby bilang roomboy sa isang hotel sa Amerika at kung totoo man ‘yon, ano ang masama eh marangal na hanap-buhay ‘yon.
Hindi sa ipinagtatanggol ko si Gabby ‘ha? Hindi talaga totoo ang tsismis na kumakalat dahil kung true na naging hotel roomboy siya, noon pa sana ito napabalita. Ang dami-daming Pilipino sa Amerika. Walang puwedeng ilihim sa mga Pinoy na nakatira doon.
* * *
Hindi lamang ako ang nakapansin na naggagandahan ang mga ex ni Gabby.
Beautiful si Grace Ibuna nang magpainterbyu siya sa Startalk tungkol kay Gabby.
Halatang pinaghandaan niya ang intreview. Parang type niya na sabihin kay Gabby na past is past pero maganda ako ngayon! May kinalaman kaya sa positive aura ni Grace ang mayamang mhin na nali-link sa kanya? Powerful ang lalake dahil pulitiko ito.
Maganda rin si Jenny Syquia sa litrato na nakita ko na inilabas kahapon ni Papa Ricky Lo sa Philippine Star. Nagulat ako dahil malaki na ang anak nila ni Gabby na si Cloie na matagal ko nang hindi nakikita. Kung hindi kahawig ni KC Concepcion si Gabrielle, kamukhang-kamukha naman niya ang anak ni Gabby kay Jenny.
* * *
Endorser na rin pala ng Calayan Clinic sina Boy Abunda at Kris Aquino na mga dating endorser ng Belo Medical Clinic.
Parang showbiz din ang mga beauty clinic. Nasasangkot sila sa mga intriga, kontrobersiya at nagririgodon pa!
Nakakalokang isipin na yung mga sumali sa Celebrity Duets, na-involve sa mga kontrobersiya. Si Jessica Rodriguez, Dr. Hayden Kho at kamakailan, si Dr. Calayan na sinampahan ng kaso ng isang American citizen na nagkaroon ng problema sa penile enlargement.
Eh ano ba ang common denominator nila? Pare-pareho silang representative ng mga cosmetic surgery clinic nang mag-join sila sa Celebrity Duets noong nakaraang taon.
* * *
Bago ko makalimutan, happy birthday kina Richard Gomez, KC Concepcion at kay former Congressman Miles Roces. Ngayon ang mga birthday nila pero wiz ko knowing kung saan ang kanilang mga birthday celebration, maliban kay KC na pinili na mag-celebrate ng kaarawan sa Boracay Island.
Chief News Editor: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2008 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved