DINA  BONNEVIE, PATI MANAGER SINISGAWAN

MANILA, October 22, 2004  (PilipinoSTAR) BABY TALK Ni Salve V. Asis - As of presstime, wala pang birthday gift na natatanggap si Bea Alonzo from John Lloyd Cruz. Galing daw kasi ito sa Davao nang magkita sila last Sunday kaya naintindihan niya kung bakit hindi ito nakabili.

Kaya nga hindi kasama si John Lloyd sa mga first three persons na pinasalamatan ng actress. Kung top five daw ang kanyang pasasalamatan, malamang makasama si John. Pero kung tatlo lang, sorry to say pero hindi siya on top of the list.

Anyway, nag-start na kahapon ng shooting si Bea para sa kanyang new movie for Star Cinema ka-partner si Piolo Pascual. Excited na raw siyang simulan ang nasabing project dahil for a change, hindi nga si John Lloyd ang ka-partner niya na first time na mangyayari sa career niya. Dalawang movie na kasi ang ginawa nila together ni John Lloyd. Partner din sila sa dalawang teleserye sa Dos na ang isa ay ongoing pa rin, ang It Might Be You.

Sunud-sunod ang suwerte ni Bea. Mataas ang rating ng It Might Be You, may movie siya with Piolo Pascual and marami siyang ini-endorse na product including Porsche Jeans na all out ang support sa kanyang 17th birthday kasabay ng renewal ng kanyang contract last Monday over lunch.

Nang una nilang kunin si Bea as endorser ng Porsche, hindi pa masyadong sikat si Bea, pero ngayon kasabay ng pagbulusok ng career ni Bea ang pagbulusok ng nasabing product.

In any case, walang birthday wish si Bea. Pero meron siyang goals for her 17th birthday: ang magtuloy-tuloy ang career niya at makabalik siya sa iskuwelahan. "Yun kasi po ang pangarap ko, ang maka-graduate habang nagso-showbiz ako. Gusto ko po talagang mag-aral," she said sa birthday presscon niya.

Next year, debut na niya at ang plano sana niya ay ang makapag-around the world sila ng kanyang pamilya. Pero sabi niya, parang hindi na practical ito sa kasalukuyan.

* * *

Nakita ko sa cellphone ni Gorgy Rula ang video ni Mahal na naliligo ng nude. Kaloka, para kang nanood ng batang naliligo kaya hindi ka magmamalisya. Ang kaibahan lang, may boobs si Mahal na in fairness ay nakabukol. Nakakaawa rin.

* * *

Grabe pala ang pahirap na dinanas ng staff ng Morning Star sa mag-inang Dina Bonnevie and Danica Sotto. Bulong ng source, may call time silang 4:00 a.m. dahil nga kailangan nilang mag-adjust sa schedule ni Ms. D.

At do’n daw nila na-discover kung gaano ka-strong ang personality ni Ms. D. Pati raw kasi ang manager nitong si Arnold Vegafria, ganoon na lang kung sigawan niya sa mismong harap nila na ikinaloloka ng mga staff.

Kaya nga raw nang matapos ang stint ng mag-ina, panay ang pasalamat ng staff.

* * *

Marami palang kakampi sa showbiz si MTRCB Chairman Conzolisa Laguardia. As in, majority ng movie leaders ang suportado ang kasalukuyang chairman ng MTRCB. Kaya naman nang may mang-intriga sa kanya na pinirmahan ni Pangulong Arroyo ang resignation letter niya, ang mga kakampi niya ang nag-react.

"Kailangan ng movie industry si Chairman Laguardia. Nakasundo siya ng buong industry. Wala siyang kaaway at hindi naging sakit ng ulo ng mga producer," sabi ng isang producer.

Nakuha ni Chairman ang lahat ng respeto ng industriya. Kaya naman, kung napapansin n’yo walang nagpo-protesta sa bawat decision na gawin niya tulad ng suspension na ginawa niya kina Asia Agcaoili, Joey de Leon and Joey Marquez. Walang nag-disagree. Lahat sumusunod sa decision ng MTRCB.

Anyway, one year and six months pa lang siyang chairman, pero very familiar na siya sa showbiz.

Kung tutuusin, galing siya sa private sector bago siya ini-appoint ni Pangulong Arroyo. Pero madali siyang naka-adjust sa showbiz. Ang rason: movie fan siya by nature at kahit noon, mahilig siyang manood ng sine pag-amin niya nang minsang makausap namin.

Admitted siya na big fan siya ni Sharon Cuneta. Noon daw according to Chairman, wala siyang pinalalampas na pelikula at palabas sa TV ng megastar.

Aside from Sharon, fan din siya ng magka-loveteam na sina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. In fact, kinikilig daw siya pag nagkakaroon siya ng pagkakataong manood ng show ng dalawa.

"Noon pa talagang nagi-enjoy akong manood ng sine at TV. Kaya nang mag-take over ako as chairman of MTRCB, wala sa aking naging problema. Very familiar na ako sa mga nangyayari sa mga shows," she averred.


Reported by: Sol  Jose  Vanzi

© Copyright, 2004  by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE