CAMILING TARLAC: AQUINO EXTOLS VALUES OF 'BELEN' / NOY'S SPEECH



[PHOTO -BEST ‘BELEN’ Moncada town’s “belen” again won in the grand municipal category in the sixth Belenisimo in Tarlac at the Tarlac College of Agriculture Gymnasium in Camiling town. President Aquino, who was awards guest, described the Nativity diorama as a symbol of a united family, human compassion and faith in God. EV ESPIRITU / INQUIRER NORTHERN LUZON]

CAMILING, TARLAC, DECEMBER 3, 2012 (INQUIRER) By Jo Martinez-Clemente Inquirer Central Luzon - President Aquino greeted the first day of the Christmas season by extolling the values that the “belen” (crèche) symbolized as he graced the awards night of the 6th Belenismo sa Tarlac on Saturday.

The President said his administration aspired to be the “ray of hope” for Filipinos in the same way that the belen inspired people to be good and to do what was right.

No matter in what shape or color the belen comes and regardless of the influence of modern technology, it remains the symbol of “family unity, compassion and strong faith in Jesus Christ,” he said.

Jesus Christ, he said, exemplified the simple life, genuine kindheartedness and hope. “He exemplified simple living and extreme humility, and served as an example of providing genuine service to give his fellowmen hope.”

The President said it was in this same light that his administration wanted to bring hope to Filipinos as he cited efforts by his administration to exact accountability from erring officials and to bring good men into government service.

He cited a host of development initiatives that the government was doing to provide what he described as the only “aguinaldo” (gift) he could give Filipinos.

This gift, he said, was “patas, masagana at maunlad na bukas para sa Pilipino (fair, bountiful and prosperous life for the Filipino).”

Mr. Aquino said time was running too fast for him to be able to do all that was needed to be done, but he added that this was compensated by dedication to public service and by remaining steadfast in doing what was right.

“We fight for what is right every day. Let us not abandon each other. We should not be led into temptation. Let us not stray from the straight path to change,” he said.

Martial law Christmas

In his speech, Mr. Aquino also shared personal insights during the martial law years. He said he would often ask during Christmas then, “Kailan kaya magkakaroong liwanag (When will we see the light)?”

His father, the late former Sen. Benigno Aquino Jr., was jailed during martial law and the Aquino family spent many of their Christmases in prison to be with him.

The President said that when the Aquino family was already in the United States, where his father sought medical treatment for a heart ailment, the question that reverberated in his mind was, “Bakit hindi kami makauwi sa aming bayan (Why can’t we return to our country)?”

He asked Filipinos to remember all families who for one reason or another cannot be together this Christmas, and hope that they will be reunited soon in their homeland.

Belen capital

For the second year in a row, Mr. Aquino honored his province mates by handing out prizes to the winners in the Belenismo, an annual Belen-making contest.

The contest, organized by Tarlac Heritage Foundation, brought in 128 entries spread across six categories.

The Tarlac City police-Camp Crame entry won in the grand nonmunicipal category. The other winners were Moncada (grand-municipal); Ves Food Resort and Villas (monumental-commercial); St. Francis of Assisi Church in Tarlac City (church); Albert Dancel (personal); and Dapdap High School in Bamban town and Bilad High School in Camiling town (high school).

The President acknowledged that his province had become the belen capital of the country, owing to the creativity and cooperation of Tarlaqueños as they create belen from materials that would otherwise be thrown away.

This ingenuity, he said, was a trademark of Filipinos. “The Filipino skill and brand are unique. We put our talent and industry into whatever we have so we could reap progress,” he said.

New Minstrels, Circus

During the awarding, Mr. Aquino was treated to a night of revival music by members of the New Minstrels and the Circus Band, led by Jacqui Magno and Eugene Villaluz.

He said he was in first year high school when the two bands were at the peak of their popularity and that he would save money from his school allowance to watch their shows.

They were, he said, the rival bands in their time but their talent showed even more with their combined performance for the Belenismo awards night.

Mr. Aquino said this was what could be accomplished if people worked together.

Speech of President Aquino at the Belenismo sa Tarlac 2012 Grand Awards Night, December 1, 2012

Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Sa Belenismo sa Tarlac 2012 Grand Awards Night

[Inihayag sa Camiling, Tarlac, noong ika-1 ng Disyembre 2012]

Naimbag nga rabii kadakayo amin nga ay-ayatek a kalugaran. (Kahapon ho Cebuano ho iyong pina-practice ko.)


[PHOTO -Belenismo in Tarlac: Christmas season is jazzed up in the province of Tarlac with the launching and pre-judging of the province's season festival, the "Sixth Belenismo sa Tarlac." Photo shows the entry of Tarlac City Police along the McArthur Highway, which can be seen going to and coming from Baguio City.  Photo by Angie de Silva by ABS-CBNnews.com,11/13/2012 11:00 PM]

Nabalitaan po siguro ninyo na noong nakaraang mga linggo,ako po’y nagkatrangkaso. Ipinayo sa ating magpahinga, pero pinili ko na lang pong magpagaling sa piling ng kaliwa’t kanang trabaho, at buti na lang, nakatanggap tayo ng imbitasyong magtungo rito sa Tarlac para sa inyong taunang Belenismo awards. [Applause] Sa init ng pagtanggap at pagsuporta ng mga kabalen, kabsat, at kaluguran, siguradong fully charged na naman tayo. Kaya si Secretary Ona, pagbibigyan ko po: mga December 31, makakapagpahinga na po tayo. [Laughter and applause]

Sa nakalipas na limang taon ng pagdaraos ng patimpalak na ito, naging maugong ang husay at talento ng mga kalahok sa Belenismo. Hinangaan ito hindi lamang, balita ko, sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa. Kinikilala na ang Tarlac bilang “Belen Capital of the Philippines.” Balita ko pa po, dumadagsa ang mga turista rito upang masilayan ang katangi-tanging sining ng mga Tarlaqueño. Sa pamamahala po ni Isa, at sa pakikibalikat ng mga katuwang na ahensya, hindi na po nakakapagtaka ang lawak at tayog ng tagumpay na nakamit ng Belenismo sa Tarlac.

Bukod po sa makukulay na Belen, tampok din dito ang pagkamalikhain at bayanihan ng ating mga Tarlaqueños. Mayroon pong mga Belen na yari sa mga bagay na dating itinatapon lang, pero ngayon ay nagagamit na sa makabuluhang paraan. Iba po talaga ang galing at tatak ng Pinoy: Kung ano ang mayroon tayo, dinidiligan natin ng sipag at talento, upang magbunga ng pag-asenso. Wala naman pong tututol: pinatutunayan nating saan mang panig ng mundo, kahit sa anumang larangan, kayang mangibabaw at magpakitang-gilas ang mga Pilipino.

Kitang-kita din po natin ang nag-uumapaw na suporta ng iba’t ibang sektor na lalo pang nagbibigay-kulay sa okasyong ito. Mulat po tayo sa bukal at kahulugan ng ating paligsahan at kasiyahan. Nagbabago man ang estilo, laki at hitsura ng mga Belen sa paglipas ng panahon, at sa kabila ng paiba-ibang impluwensya ng modernong teknolohiya, hindi nagmamaliw ang simbolong taglay ng Belenismo: ang pagbubuklod ng pamilya, pagmamalasakit sa kapwa, at ang matibay na pananampalataya kay Hesukristo. Itinaguyod Niya ang simpleng pamumuhay at wagas na pagpapakumbaba, at nagsilbing ehemplong tunay na paglilingkod upang magbigay ng pag-asa sa kapwa.

Ganitong liwanag din po ang itinatanglaw natin para sa ating mga kababayan. Hindi po tayo nagpatumpik-tumpik sapaggawa ng tama na nagbubunga ng sunud-sunod na biyaya. Pinanagot natin ang abusado, itinalaga ang mga tapat na pinuno, at ginamit ang pondo sa matuwid na serbisyo. Mula sa pagpapaunlad ng imprastraktura hanggang sa pagpapalago ng agrikultura; mula sa pagpuno ng mga kakulangan sa silid-aralan, hanggang sa paglikha ng mga tiyak na kabuhayan; mula sa pagpapailaw ng mga sitio, hanggang sa pagpapaliwanag ng kinabukasan ng nangangailangan, nakatutok ang inyong gobyerno sa kapakanan ng mas nakakaraming Pilipino.

Marami po tayong baon na good news, at natutukso po akong isa-isahin ang mga ito, pero pag isa-isahin ho natin, baka po umagahin tayo rito. Basta isa lang din ang sigurado, hindi po natin kailanman kakalimutan ang mga kababayan kong Tarlaqueño sa ating itinataguyod na pag-asenso. [Applause]

Kaybilis nga pong lumipas ng panahon. Parang kailan lang po nang simulan nating baguhin ang sistemang ating nagisnan. Pero tinapatan po natin ang tulin ng araw, ng sipag at dedikasyon sa tungkulin. Napasakamay natin ang mga tagumpay dahil marami pong tulad ninyo ang sabay na humakbang sa tuwid na daan. Ang hiling ko lang po: huwag tayong bibitiw sa pagkakapit-bisig, huwag tayong padadaig sa tukso, huwag tayong lilihis sa direksyon ng pagbabago. Araw-araw po nating ipaglaban ang tama, araw-araw nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang pagsilbihan ang kapwa at bansa.

Sa patuloy nating bayanihan, pihado pong maipagkakaloob natin ang walang katumbas na Aguinaldo para sa sambayanang Pilipino: ang patas, masagana, at maunlad na bukas para sa Pilipinas.

Congratulations po sa mga nagwagi; [applause] congratulations rin po doon sa mga naghandog ng awit sa atin kanina, [applause] pati na rin po doon sa mga nagahas sumayaw. [Laughter] Bakit po? Noong congressman ako, sa ballroom dancing, lahat sumasayaw. Dito bigla tayong naging shy. [Laughter] Alam ho ninyo, ang mga kumakanta kanina, miyembro ho sila ng dalawang bandang ang ngalang ay New Minstrels at Circus. Noong panahon pong iyon, pagsama-samahon ninyo ang mga bandang sumunod, ‘eto po iyong dalawang talagang tingitingala ng lahat. Aaminin ko po sa inyo, palagay ko high school ako noong kasikatan nila—pero first year high school [Laughter], naaalala ko pa ho, hindi pa ako pinapayagang magparty—at nagiipon ng allowance para makanood ng kanilang performance. Ngayon ho, isipin ninyo, ano? Pinagsama iyong dating talagang magkaribal na banda, lalo pang tumingkad ang kanilang awit. Iyan po ang puwedeng mangyari sa atin.

Bago po ako magtapos: Noong martial law po, pag sumasapit ang Pasko, hindi ko maiwasan na medyo maging malungkot, dahil parang isang taon na naman ang lumipas, hindi tiyak liliwanag, kung darating man— . At lalo na po noong na sa Amerika. Suwerte ako, kasama ko buong pamilya ko, pero napapagisip ka: bakit hindi tayo makauwi sa sariling lupa? Bakit hindi tayo makabalik kung saan tayo mamamayan?

Tandaan lang po natin, sa darating na Pasko, may mga pamilyang hindi maiiwasang magkahiwalay. Idamay po natin sa ating mga dasal, na sana naman po ay sa lalong madaling panahon ay magkasama-sama sila. At tuwing sasapit po ang Pasko, lahat ho tayo ay kumikilala sa ginawa ni Hesukristo sa atin; lahat tayo umaasa na hindi ho matitinag ng mas magandang silayang araw na susunod. Ako po ay magpapaalam nang pansamantala,

Agyamanak ti adu kadakayo amin.


Chief News Editor: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2012 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE