PALACE EXECS COLOMA, CARANDANG TO CLEAN UP AQUINO MESS VS MEDIA

MANILA, AUGUST 1, 2012 (INQUIRER) Written by Fernan J. Angeles - Malacañang is banking on two top government media bureau executives to clean up the mess and hopefully patch up the gap that resulted from the tactless attacks made against former Vice President Noli de Castro by President Aquino, who now faces the ire of the entire media sector over what seemed as irresponsible and reckless assaults on the media industry.

Simultaneously, reported efforts to compel a top television network’s boss to sanction TV Patrol anchor de Castro, whom the President criticized during the anniversary celebration of the news program, are also seen to have started with the revelation of a network executive.

Communications Secretaries Sonny Coloma and Ricky Carandang will separately take measures to appease what seems to be an extremely furious media sector, whom Aquino bashed in three instances when he was invited supposedly as guest speaker but turned out as a hostile guest in all three media occasions.

Their efforts however could be spoiled by what is seen to be the part of the President’s plan to compel the corporate executives of ABS-CBN network to place de Castro either on suspension or floating status.

No less than the ABS-CBN network Ombudsman’s office confirmed having received a letter from a a certain Victor del Rosario of Naval town in Biliran Province. In his letter, Del Rosario allegedly urged the TV network to seriously ponder President Aquino’s tirades against De Castro’s supposed skeptical remarks on news feeds seen as positive developments in line with the Aquino administration programs.

At the 25th anniversary of ABS-CBN’s TV Patrol at the Manila Hotel last Friday, Aquino, known for his passion for target shooting, aimed at De Castro whom he described as deflating news reports on the country’s progress by way of making nasty side comments.

Aquino’s attack on de Castro was not the first he made against the media, he had also branded the Philippine press as having a “crab mentality.” With the members of the media getting to be the favorite target of the President, coupled by the phenomenally high incidence of media killings, the National Union of Journalists of the Philippines deplored the Malacañang chief executive and his spokesman Edwin Lacierda for taking on the legitimate media every time the administration was dragged into an embarrassment resulting from their own doings.

In a strongly worded statement, NUJP secretary general Rowena Paraan assailed what she referred to as the ‘whine and bash routine” of the President against his favorite whipping boy, the media.

National Press Club president Benny Antiporda in a call to this reporter likewise lamented the manner in which the government has been treating the legitimate members of the working press.

Antiporda however maintained that the NPC was taking a position that had nothing to do with the political differences and the conflict between the President and De Castro, seen as either personal or political.

The NUJP official likewise lambasted Lacierda, who, she said, even managed to reiterate what should have been obvious — that the Presidential broadside against De Castro was not only personal, it was a message to the Philippine media as a whole, the same message, they noted, that Aquino delivered at another silver anniversary that same day, that of BusinessWorld.
Paraan said that while the NUJP did not want to be dragged into what seemed either personal or political animosity between Aquino and the former VP, media shouldn’t be made as “a spar mate to whom jabs are thrown at will without worrying retaliation.”

“We shall not dwell on the propriety or correctness of Mr. Aquino’s personal attack on De Castro for switching from media to politics and back again and seemingly mixing up the two.

She spoke of NUJP plan seen to ensure protection of Filipino journalists against “loose cannons” from the government — apparently referring to the tactless President and his spokesman Lacierda for trying to dictate to the media.

“But we shall not remain silent when he accuses us, not just of ‘negativity and sensationalism,’ but of actually robbing our people of the chance and the capacity to dream. And we certainly shall not take it sitting down when he deigns to tell us how to go about our work and what to put into it,” she added.

Even the journalists covering Malacañang have had their taste of the Presidential tantrums, Cabinet policy designed to isolate critical reporters and overzealous presidential bodyguards who in many instances manhandled both male and female journalists.

Malacañang however has warded off claims that Aquino was dictating what reports should be carried by broadcast and print media.

Short of calling journalists liars, Lacierda said they only wanted to urge media to carry factual reports and avoid giving negative opinions.

De Castro has remained mum on Aquino’s tongue lashing. De Castro was Vice President during the term of Arroyo
Surprisingly, Lacierda managed to boast of what appeared to be ridiculous. He denied Aquino’s tirade on the media sector elicited negative comments against the President.

“We monitored the media stations—the comments in those online publications that came out. The public felt very strongly in favor of the President. There were, however, comments coming from certain media personalities,” he said.

Aside from the NUJP and the NPC, other media groups who seemed eager to gang up on Aquino and his spokesman Lacierda are the Burgos Media Center, Alab ng Mamamahayag (Alam), Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (Afima) and other province-based press guilds.

FROM PHILIPPINE ENTERTAINMENT PORTAL

Kris Aquino defends brother PNoy on his TV Patrol speech: Nerisa Almo Tuesday, July 31, 2012 @ 06:37PM | 16316 views

“[He] has the right to defend himself & express his opinion.”

Nagbigay ng pahayag ang TV host-actress na si Kris Aquino bilang depensa sa kanyang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay ng “prangka” speech ni PNoy sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol noong Biyernes, July 27.

Kris Aquino posted this message on her Twitter account last night, July 30, to defend her brother, President Noynoy Aquino: “[He] has the right to defend himself & express his opinion? Freedom of speech is a 2 way street right?”

PNoy was accused of lambasting Noli de Castro when he delivered a “prangka” speech during the 25thanniversary celebration of TV Patrol last Friday, July 27. Photo: Noel Orsal

THE PRESIDENT'S SPEECH

Pangulong Noynoy Aquino: "Tandaan na natin, sa bawat sulat, sa bawat ulat ay nag-iiwan kayo ng marka sa publiko, nakakaapekto kayo sa buhay ng kapwa Pilipino." Karen A. Pagsolingan Saturday, July 28, 2012 @ 01:37PM | 8509 views

May isang kahilingan ang Pangulong Noynoy Aquino sa mga mamahayag ng TV Patrol: "Ibalanse lamang natin."

Dagdag ni PNoy, "Ang pagkiling sa negatibismo ay mag-aatras lamang sa dapat sana’y pag-usad na ng ating bayan at mga kapwa Pilipino." Photo: Monching Jaramillo

Una, magbigay-pugay sa lahat ng bumubuo ng programa.

Pangalawa, ipaabot ang kanyang saloobin tungkol sa mga negatibong komento ng isang anchor sa dapat sana'y magagandang pangyayari sa kanyang termino.

"Stick to the facts," ang winika ni PNoy.

Pangatlo, payuhan ang mga mamahayag na maging "balanse" sa pag-uulat at pagbibigay ng opinyon.

Narito ang kabuuan ng talumpati ni Presidente Aquino: From the Official Gazette of the President pf the Philippines

FULL TRANSCRIPT:

Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Sa ika-25 anibersaryo ng TV Patrol

[Inihayag sa Manila Hotel noong ika-27 ng Hulyo 2012]

Mr. Gabby Lopez; Mrs. Charo Santos-Concio; Ms. Ging Reyes; Senator Frank Drilon; Senator Loren Legarda; Secretaries Mar Roxas, Greg Domingo, Ricky Carandang; Chairman Francis Tolentino; Bangko Sentral Governor Sy Tetangco; Mayor Alfredo Lim; Representative Sonny Angara; Commissioner Ruffy Biazon; Commissioner Kim Henares; Chair Sixto Brillantes; past and present officials and staff of TV Patrol and ABS-CBN; fellow workers in government; honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Dito po magkakaaminan: Noon pong kabataan ko, wala pang ANC, wala pang CNN, at aaminin ko po, sa totoo lang, wala pang cable TV. Kung kailangan mo ng instant news, halimbawa, kapag may bagyo, nawalan ng kuryente, ang tutok namin noong mga panahong iyon: Radyo Patrol. Sa pag-usad ng panahon, mas naging moderno ang pagbabalita; ang tinig na rumoronda sa himpapawid, nadadagdagan ng biswal na elemento.

At narito na po tayo ngayon, ipinagdiriwang ang Silver Anniversary ng isa sa mga pinakamatibay na institusyon sa pagbabalita: Ang TV Patrol.

Sa loob ng dalawampu’t limang taon, kinilala ang TV Patrol sa tapang at sigasig ng paghahatid ng impormasyon sa mamamayang Pilipino. Sa tuwing may sakuna, naroon kayo upang magbigay ng kaalaman kung paano umiwas sa peligro at disgrasya. Sa tuwing may agam-agam ang publiko ukol sa isyu, kayo ang takbuhan para sa tapat na pag-uulat. Kaya naman, sa lahat ng bumubuo ng inyong programa, mula noon hanggang ngayon, sa harap man o sa likod ng kamera: talaga namang pong isang mainit na pagbati sa inyong ikadalawampu’t limang anibersaryo. [Applause]

Kapag katotohanan ang pinag-uusapan, lagi kong naaalala ang isang sikat na police drama noong ako po’y bata pa. Dragnet ang pangalan po ng programa. At sa pagkalap ng kaalaman, ang bukambibig noong isang bida, and I quote, “Just the facts, Ma’am.”

Hayaan po ninyo akong ilatag ang ilang facts na inihayag natin sa SONA noong Lunes:

Five point two million sa pinakamahirap na kabahayang Pilipino ang buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. Fact po ito.

Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na kakulangan sa silid-aralan. Fact na naman po ito.

Tinitiyak na po ang kalidad ng higit sa 70,000 na mga baril na ipagkakaloob sa natitirang 45 porsyento ng ating kapulisan. Matapos po ang prosesong ito, magkakaroon na tayo ng one-is-to-one ratio ng pulis at sa armas na kailangan po nila sa kanilang trabaho. Fact din po ito.

Ilan lang po ito sa mga pagbabagong tinatamasa ngayon, at nakamit po natin ito sa unang dalawang taon pa lamang ng ating pamamahala. Nang mag-umpisa tayo bilang Pangulo, ni wala po tayong masipat na “light at the end of the tunnel.” Ni hindi nga po kami sigurado kung may dulo pa ang balon ng problemang ipinamana sa atin. Wala naman po sigurong magkakaila: Napakalaki na ng ipinagbago ng ating bansa. At palagay ko po naman, fact din po iyan sa ating lahat. [Applause]

Huwag po sana ninyong mamasamain, tutal kaharap ko na po kayo ngayon, at one night lang naman sa 365 days ng isang taon ko kayo makakausap. Tingnan po natin ang paghahayag ng inyong institusyon.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, may isang reporter kayo ang nagbabalita sa NAIA 3. Ang sabi niya, sa puntong iyon, tumaas ng dalawampung porsiyento ang passenger arrivals sa paliparan. Magandang balita, at higit sa lahat, fact po iyan.

Sa kabila nito, nakuha pa pong humirit ng isang anchor n’yo at ang sabi po niya, and I quote, “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.” Sa loob-loob ko po, anong kinalaman ng ibinabalita sa NAIA 3 sa NAIA 1? May nagsabi po bang ayos na ayos na ang NAIA 1? Kung mayroon man ho, hindi kami. Nakaligtaan niya atang mahigit 30 anyos na ang istrukturang ito.

Napapaisip nga po ako: ‘yung nagkomento nito, hindi ba’t anim na taon ding tumangan sa renda ng gobyerno?

Sabihin na po nating minana lang din nila ang problema; ‘di hamak mas luma naman ang ipinamana nilang problema sa amin.

Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong inirereklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang tutugon dito, pero, masakit nga ho, may gana pa tayong hiritan ng nagpamana?

Naalala ko rin po nang na-recover ng NBI ang isang banyagang bata na nakidnap.

Ang ganda na po sana: Nakakuha ng tip ang awtoridad, kumilos sila, at na-recover ang bata. Masaya ang mga magulang na kapiling na muli nila ang kanilang anak; masaya ang bata na kayakap niya ang kaniyang ama’t ina; masaya ang awtoridad na maayos at matagumpay ang operasyon nila.

Mukhang ang hindi lang masaya, ito nga pong anchor natin na nagawa pa uling humirit na baka raw na-set-up lang raw ang rescue operation, at binayaran lang talaga ang ransom. Kahit anong pilit ng reporter na malinaw ang operasyon; nag-surveillance ang mga taga-NBI, at talagang natiyempuhan nilang walang nakabantay sa bata, pilit pa rin po nang pilit ang anchor. Sabi nga ho ng nanonood kong kasama, “Naman.” Kami pa po mismo ang magagalak kung makakapaghain kayo ng kapirasong ebidensya ukol dito, at kung mayroon nagkamali, usigin natin ang mga nagkamali.

May naitutulong po ba ang mga walang-basehang spekulasyon, lalo na kung lumalabas ka sa telebisyon at sinusubaybayan ng sambayanan? Kung nagbabangkaan lang tayo sa kanto, hindi problema ang mga walang-basehang patutsada. Pero kung alam mong opinion-maker ka, alam mo rin dapat na mayroon kang responsibilidad. Sana po, sa tuwing sasabihin nating, and I quote, “magandang gabi, bayan,” ay totoong hinahangad nating maging maganda ang gabi ng bayan.

May isa pa po: Ang pagtaas-baba po kasi ng pamasahe, dumadaan sa mahabang proseso. Minabuti po nating makipag-ugnayan sa transport groups, sa pangunguna po ni Secretary Mar Roxas, upang bumuo ng kasunduang makatuwiran. Dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, malaki ang naging gastusin ng mga tsuper sa pataas na pataas na presyo ng krudo, kaya oras na umabot ang diesel sa napagkasunduang presyo, ibibigay sa kanila ang kanilang fare hike para matulungan naman. Ngunit sang-ayon sila na kapag bumalik ang presyo’t bumaba rin ang presyo ng krudo, magkukusa rin silang ibaba ang pamasahe. Ika nila, imbes na sumobra ang tubo, bilang Pilipino ay magmamalasakit kami sa kapwa Pilipino.

Ibinalita po ito ng field reporter ninyo. Good news po talaga: Ang risonableng mungkahi, napagbigyan; ang pamahalaan, grupo ng tsuper, nagtulungan. Panalo ang sambayanan. Ang problema, nagawa pa rin itong sundutan ng komentaryo. Matapos i-report, ang pambungad na tanong ng inyong anchor: Ano raw ba ang angal ng mga grupo sa akin po. Ang reaksyon ko, “Saan naman nanggaling ‘yun?”

Nagkasundo-sundo na tayong tugunan ang isang problema, mayroon pang naghahanap ng angal.

Nagkakasundo na nga, para bang gusto pa ring pag-awayin. Mahirap pong isipin na bahagi ito ng inyong job description. ‘Di po ba kung umangat ang ating kalagayan, tayo ang panalo; at kung lumubog naman ito, tayo rin naman ang talo? Bakit parang mas gusto ng iba na makita tayong lumulubog?

Kung gabi-gabing bad news ang hapunan ni Juan dela Cruz, talaga namang mangangayayat ang puso’t isip niya sa kawalan ng pag-asa.

Mayroon po kayong The Filipino Channel, kung saan napapanood ng mga dayuhan at ng ating mga kababayan sa ibayong dagat ang mga balita sa Pilipinas. Isipin po natin: bawat isang turistang bumibisita sa bansa tinatayang isang trabaho ang naglilikha. Ilang turista kaya kada buwan ang nagka-cancel ng bakasyon dahil sa araw-araw na negatibismo? Ilan kayang kababayan ang nawawalan ng pagkakataong magkaroon ng kabuhayan dahil sa bad news na ito? Kung isa po kayo sa sampung milyon nating kababayan na nagsasakripisyo sa ibayong-dagat, gaganahan kaya kayong bumalik dito kung mas nakakasindak pa sa Shake, Rattle, and Roll ang balita sa telebisyon? Kailan pa po ba naging masama ang pagpapahayag ng mabuting balita?

Sa pagpapatrol ninyo sa bawat sulok ng bansa, tiyak na may nadaratnan kayong mga positibong kuwentong maaaring maging bukal ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan. Hindi naman po siguro masusunog ang mga TV sets at radyo ng inyong mga suki kung paminsan-minsan ito ang inyong ibalita. Hindi naman po siguro kalabisang isipin na sa pagtaas ng iniluluwas nating coco water na mahigit 3,300 porsiyento ang inangat, may mahahagilap kayong isang magsasaka na magsasabing, “Dati, itinatapon lang ito. Ngayon napapagkakitaan na namin.” Sa mahigit tatlong milyong pamilyang benepisyaryo ngayon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, hindi naman po siguro mahirap maghanap ng isang magsasabing, “Malaking tulong ang programang ito.”

Alalahanin po natin: Anumang sinasabi n’yo ay nakakaapekto sa pananaw ng Pilipino—humuhubog sa kanyang mga kilos, sa pagtingin niya sa kanyang sarili, sa kapwa, at sa bayan. Kapag pinaniwala si Juan na panay pangit ang nangyayari sa lipunan, talagang mawawalan siya ng dahilan para tumungo sa katuparan ng mga adhikain niya. Pero kung nakikita niyang ang dating problema ay nasusulusyonan, mag-aalab ang pag-asa, at magkakakompiyansa siyang sumulong dahil alam niyang may pagbabago na.

Marami pa ba tayong problemang kailangang tugunan, at hindi po magiging madaling lampasan ang mga ito, lalo na kung kaliwa’t kanan ang hilaw na kuru-kuro at spekulasyon. Sa akin na po mismo manggagaling: Marami pa ring butas ang dinatnan nating sistema at hindi perpekto ang gobyerno, kaya’t kung may pagkukulang kami, ipaalam lang po ninyo. Parati ko pong ipinapaalala, sa ilang samahan na baka tumataas ang ere: nag-uumpisa ang kaalaman sa pag-amin na hindi lahat ng kaalaman ay nasa akin. Ako na mismo ang aamin: wala kaming monopolyo sa husay at talino, at hindi kami tama sa lahat ng sandali. Subalit hindi malulunasan ang mga problema kung sa bawat isang hakbang pasulong natin, puro paatras naman ang hila ng ilang gusto tayong ibalik sa dilim ng ating dinatnan.

Kung may paligsahan nga po sa pag-unawa’t pagtitimpi, malamang naman po gold medalist na po tayo diyan. Bahagi po kasi ito ng trabaho natin. Bahagi rin nito ang magsabi ng totoo, at sa gabing ito, inilahad ko lamang po ang katotohanang nakikita ko.

Hindi ko hinihiling na kumatha kayo ng mga gawa-gawang kuwento, o pagandahin ang imahen ng gobyerno. Ang akin lang po, kung naibabalita ang mga nagaganap na krimen at trahedya, ibalita rin naman po natin sana kung paano ito naresolba. Kung inilalantad po natin ang kabulastugan; matuto naman din po sana tayong kilalanin ang mga nagagawang kabutihan. At kung may maimumungkahi kayo para lalo nating mapagbuti ang pagsisilbi sa bayan, kami po ay makikinig. Ibalanse lamang natin; tandaan na natin sa bawat sulat, sa bawat ulat, ay nag-iiwan kayo ng marka sa publiko; nakakaapekto kayo sa buhay ng kapwa Pilipino. Ang pagkiling sa negatibismo ay mag-aatras lamang sa dapat sana’y pag-usad na ng ating bayan at mga kapwa Pilipino.

Patuloy po tayong magsumikap upang iangat ang antas ng propesyunalismo, integridad, at kredibilidad sa larangan ng paglilingkod-bayan; patuloy nating isabuhay, bantayan at patingkarin ang ating demokrasya. Bilang isang lahing Pilipino, sama-sama nating isatinig at ihayag ang ating paninindigan: nandito na ang Pilipinas, tinatamasa na ng Pilipino ang pagbabagong siya rin mismo ang gumawa.

Muli, at ako po’y pagpasensyahan ninyo kung masyadong prangka nagsalita ngayong gabi. Maganda na ho siguro ‘yung totoo ang sabihin para magkaunawan tayo nang maliwanang. Muli po, binabati ko ang TV Patrol sa inyong ika-25 kaarawan. Maraming, maraming salamat po sa inyong paglilingkod sa bayan at more power po. Magandang gabi po. [Applause]


Chief News Editor: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2012 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE