-

INQUIRER COMMENT ON SPEECH OF PRESIDENT AQUINO AT THE TEAM PNoy PROCLAMATION RALLY


[TEAM PNOY PROCLAMATION RALLY: Senator Loren Legarda, senatorial candidate of the Nationalist People's Coalition and consistent poll topnotcher, joins Team PNoy Proclamation Rally held at Plaza Miranda in Quiapo, Manila.]

MANILA, MARCH 25, 2013 (INQUIRER) There’s the Rub ‘Same same’ By Conrado de Quiros Philippine Daily Inquirer 12:27 am | Thursday, February 7th, 2013

It gets weirder by the minute. To paraphrase Rudyard Kipling, north is north and south is south, and ne’er the twain shall meet.

So it is at least for the “common candidates” of the Liberal Party (aka “Team PNoy”) and UNA, who are Chiz Escudero, Loren Legarda and Grace Poe. Both parties, such as they might be called that, are holding their proclamation rallies on Tuesday, Feb. 12, near enough to Valentine’s Day to suggest the candidates’ impending romance with, or wooing of, the voters. Except that the LP will hold its activity in Manila and UNA in Cebu.

In the case of UNA, the problem is just distance, however formidable that already is. Maybe if you chartered a Lear jet? UNA has invited all three “common candidates” to its proclamation; it’s just up to them if they want to go, or can manage to bridge the geographical divide. The LP/Team PNoy is more prissy, or jealous, and says it will not abide the “common candidates” falling into the arms of its rival. They may not, in the proclamation rally or any other rally, appear onstage with the UNA bets. On pain of being rendered uncommon.

They can’t, says LP spokesperson Erin Tañada. That was an agreement they had with P-Noy before they became common candidates. Miro Quimbo agrees: “It’s not a matter of someone being prevented from appearing in the activities of both sides or not. There was a specific agreement between adults, between mature political leaders. We need to be consistent on the message—the message of ‘matuwid na daan.’”

Can anything be more ridiculous? You want to be consistent about the message of “matuwid na daan,” which means you want to highlight the divide between those who hew to the honest path and those who don’t, which means you want to ram home the fundamental difference between the candidates of Team PNoy and those of UNA, why in God’s name have “common candidates”? How mature and adult can that be? That is its own refutation.

In fact, it’s just one of the things that highlight the fact that there’s really little, or no, difference between Team PNoy and UNA. It’s just one of the things that highlight the fact that except for the Communist Party and Kapatiran, we really do not have any real political parties in the sense of political organizations that command allegiance on the basis of philosophy or ideology rather than expedience or convenience. It’s just one of the things that highlight the fact that three years after an election that pitted good vs. evil, that pitted the corrupt vs. the honest, that was really an Edsa masquerading as an election, we’re back to traditional politics, or what is more aptly called “trapo.”

JV Ejercito hit the nail on the head when he proposed early on the simple creation of one “supra party” housing the candidates of the LP and UNA since UNA was a loyal oppositionist, anyway. Which the administration party promptly scoffed at and dismissed. The concept of being a loyal opposition Jojo Binay continues to press, even if his camp has abandoned the idea of a “supra party,” insisting on it only recently in reaction to Edwin Lacierda dissing of it. In fact, he says, they are P-Noy’s “true friend,” being willing to criticize while supporting his agenda and not just acting like sycophants.

But if true, then there’s an even better idea than just having one huge party. That is having no party at all. In fact, you can just list the names of all the senatorial candidates in alphabetical order independently of their party affiliations and it wouldn’t matter at all. Not in any substantive sense, not in any essential sense, not in the sense of what they really stand for. Let the voters just vote for them on the basis of their popularity or name recall.

The LP’s decision to call itself Team PNoy doesn’t make any sense, or serve any purpose. At the very least, if the point is to drive home the ideological divide, then why have “common candidates”? It subverts the principle completely. How can you have candidates you presume to hew to the “matuwid na daan” belonging also to the side you accuse of hewing only to the crooked path?

Quite apart from that, how can you associate P-Noy with the wife of his chief rival in the last presidential election, the one presidential candidate his camp accused of being epically corrupt? Who is Cynthia Villar. You can’t get a more graphic or literal contrast with daang matuwid than the detours Manny Villar created on C5 to favor his subdivisions. How can you associate P-Noy with the one person who brought his presumably idealistic group, the Magdalo, to throw in its lot with P-Noy’s chief rival and had the most unsavory things to say about the quality of P-Noy’s mind, or indeed his mental state? Who is Antonio Trillanes.

How can you associate P-Noy with the politics of expedience, if not opportunism? Which is what adding Jamby Madrigal to the team means, because of name recall—she was a senator once—instead of someone like Erin Tañada, who’s far more eminently qualified except that the surveys apparently said he wasn’t “winnable.” And now, irony of ironies, look at where Jamby is. P-Noy isn’t just the President’s name, it is also a brand name, one that emerged from the smoke of the 2010 election, one associated with honesty, integrity, decency. “Team PNoy”? It doesn’t raise the team to lofty heights, it sinks P-Noy to lowly depths.

No, at stake in the coming elections is not the victory of the daang matuwid over the daang baluktot, it is only the victory of Jojo Binay or Mar Roxas in the next presidential election. Or the possibility thereof, a victory of UNA being a blow for Binay and a victory of the LP, aka Team PNoy, being a blow for Roxas.

Who the hell cares about that?

PNoy RALLY VIDEO:


 

(PRESIDENTIAL GAZETTE) SCRIPT - Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Sa Team PNoy proclamation rally

[Inihayag sa Plaza Miranda, Quiapo, Lungsod ng Maynila, noong ika-12 ng Pebrero 2012]

Makasaysayan po ang Plaza Miranda—hindi lamang po para sa Partido Liberal, kundi maging sa bawat Pilipinong naghangad na mamayani ang demokrasya, katarungan, at kaunlaran sa ating bansa. Mahigit apat na dekada na ang nakalipas mula nang binulabog ng pagsabog ang dapat sana’y mapayapang proklamasyon sa pagka-Senador ng walong kandidatong Liberal. Kabilang sa siyam na nasawi ang isang limang taong gulang na bata.

Ano kayang kinabukasan ang pinangarap niyang makamtan? At ngayon pong gabi nakatuntong tayo sa plazang diniligan ng kanyang dugo, anong mga pangarap naman ang ipinupunla natin para sa kabataan ng kasalukuyang henerasyon?

Marahil nga’y maituturing natin na isang pagbabalik-tanaw at pagpupugay ang pagtitipon natin ngayon; isang selebrasyon ng sakripisyo’t inspirasyon ng sambayanang patuloy na bumabangon at umaarangkada—sa kabila ng mga pagsubok at trahedya, sa kabila ng dating baluktot at walang-saysay na pamamahala, sa kabila ng mga huwad na pangako’t siyam at kalahating taon ng kalbaryo’t pagdurusa.

Sagisag itong hindi napunta sa wala ang pagbubuwis ng buhay ng siyam na katao sa Plaza Miranda. Sagisag itong nasugatan man tayo, napilayan man tayo, pilit man nilang pinapatumba ang diwa ng mga Pilipino, hindi po tayo sumuko. Humugot tayo ng lakas sa isa’t isa; piniga natin hanggang sa pinakahuling patak ang ating pawis, pagod, at determinasyon; tumayo tayo’t hindi nagpadaig sa pagdududa’t negatibismo. Wala pong duda: bumangon na po tayo. Pumalag tayo. At sa huli, nagtagumpay tayo.

Ngayon, mayroon tayong isang lipunang bukal ng pag-asa’t maunlad na kinabukasan. Ngayon, mayroon tayong isang bansang binuo ng inyong pagkakapit-bisig at nagkakaisang tinig. Ngayon, mayroon tayong isang Pilipinas na tinitingala ng buong mundo, maliban ho sa isang bansang malapit sa atin, at kayo—kayong mga kaharap namin ngayong gabi dito sa Plaza Miranda at sa buong Pilipinas; kayong hindi nagsawang pumanig sa tapat, sa mabuti at sa tama; kayong handang magbukas ng puso sa inyong kapwa; kayong hindi lumilihis sa tuwid na landas—kayo, kayong aming mga Boss—Kayo ang gumawa nito. [Applause]

Ang tanong po ngayon: magpapatuloy ba ang mapayapa’t mabungang biyahe natin sa tuwid na daan o isusuko na lamang natin ang lahat ng ating tagumpay sa mga nagnanais tayong iligaw sa masukal na ruta ng katiwalian; sa kamay ng ilang nagpalit nga ng kulay ng baro, pero ang budhi naman ay nakasampay pa rin sa dating baluktot na kalakaran?

May mga nagsasabing madali raw makalimot ang Pilipino; na paulit-ulit lang daw tayong nabibitag sa pagkakamali dahil hindi raw tayo natututo sa mga bangungot ng ating kasaysayan. Hindi po ako naniniwala rito. Gusto ko po sanang subukin ang talas ng memorya ng ating mga Boss ngayong gabi.

Sino kaya ang nakalimot na, o nakalimutan na ba ninyo ang Fertilizer Scam, ang NBN-ZTE, at ang siyempre ang pinakapamosong Hello Garci Scandal?

Nakalimutan na ba ninyo ang mga segunda-manong chopper o helicopter sa PNP, at ang nakaka-high-blood na pagbaha ng kape sa PAGCOR?

Nakalimutan na ba ninyo na ang bigas na dapat sanang bubuhay sa magsasaka, pero dahil sa sobra-sobrang pag-angkat na hindi naman pinakinabangan, ay utang lang ang binuhay?

Nakalimutan na ba ninyo ang midnight appointees sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, lalo na ang dating Chief Justice na pinatalsik ng sambayanan?

Hindi po natin ito kailan man dapat makalimutan—at hindi tayo papayag na maulit pa ito. Tandaan po natin: nariyan pa rin ang ilang mga alipores ng nakaraang administrasyon, at ang mga kauri nila—pareho pa rin ang istilo, hindi pa rin nagbabago ang ugali. Alam po n’yo, sa tuwing magbubukas tayo ng bibig, agad nila tayong sinisiraan, gaano man kababaw, para lang mapansin sila. Minsan nga, pilit pa silang naglalagay ng salita sa bibig natin, na para bang mayroon pa silang maloloko sa harap ng tinatamasa nating pagbabago.

Halimbawa na lamang ay itong 6.6 percent GDP growth ng ating ekonomiya sa 2012. Habang pinupuri tayo ng mga karatig-bansang bilib na bilib sa atin, agad namang nag-ingay ang mga dating nasa puwesto. Ang bukambibig nila: mas malaki daw sa kanila dahil 7.9 percent daw ang nagawa nila.

Tanong ko po: aanhin mo ang ganoong numero, kung isinangkalan naman ang kinabukasan para lang may maipakitang drawing sa papel? Maihahantulad po natin ito sa pagtatayo ng negosyong tiyak na hindi naman kikita; at tiyak na po, baon tayo sa utang na walang katuturan. Sa paggugol ng mali, maaari ngang tumaas ng isang quarter ang GDP growth, habang sa susunod naman ay garantisado naman ang pagsama ng ekonomiya at pagdurusa dahil sa mga kailangang bayarang dapat sana’y hindi na inutang. Ganyan po talaga kung pulitika lang at pansariling kapakanan ang laman ng isip—at hindi ang totoong pakinabang sa mamamayan.

Kung talagang may nagawa sila para sa taumbayan, bakit sa loob ng siyam at kalahating taon, panay mga poster at tarpaulin lamang ng kanilang mukha na may salitang “Cares” ang naibalandra nila sa mga lansangan, habang sa ating dalawa’t kalahating taon, naipagawa natin ang Araneta-Quezon Avenue Underpass.

Ang mungkahi po nilang gastos—694 million pesos para sa proyektong ito. Ipinagawa po natin ito sa halagang 430 million, 100 days ahead of schedule pa. Napailawan din natin ang halos pitong libong sitio na dati’y gasera lang ang tanglaw sa dilim kung mayroon man, maisasara na natin bago matapos ang taon ang backlog na 66,800 na silid-aralan, napipinto na ang ating pagiging self-sufficient sa bigas, at nai-enrol na natin ang mahigit walumpu’t dalawang milyong Pilipino sa Philhealth. [Applause] Napakalaki po talaga ng pagkakaiba. Wala tuloy akong ibang masabi kundi: anlakas naman ng loob ninyong magkumpara. Sabi nga nung nakababata kong kapatid, “Naman!”

Huwag na po tayong magulat sa mga propaganda at pangongontra ng iba, lalo na ngayong papalapit na ang eleksyon. Huwag na po tayong magtaka kung may mga magpapalabo ng usapan. Sasabihin nilang bahagi sila ng Tuwid na Daan, pero kapag tumalikod ka, hayun at nakatawid na sa kabilang bakuran, tinitibag ang mga repormang iyong nasimulan. [Applause]

Sasabihin ng iba po, “Kaibigan ninyo kami; kasangga ninyo kami sa tapat na pamamahala,” pero hindi ka pa nalilingat, binabatikos na ang iyong prinsipyo’t paniniwala, minamaliit at binabahiran ng agam-agam ang lahat ng iyong positibong nagawa. Bakit ba sila kontra nang kontra sa ating agenda?

Marahil po, ayaw nilang magkaroon ng 21,800 na pabahay para sa ating mga sundalo at pulis—phase one pa lang po iyan. Sa araw na ito, tinatayang labing-apat na libo sa 31,200 na tahanan sa phase two ng proyektong ito ang naipagawa na. Baka po ayaw nilang maging matagumpay ang Framework Agreement on the Bangsamoro ayaw ata nila maging mapayapa ang Mindanao; ayaw nilang mabigyan ng pagkakataong umangat ang antas ng buhay ng halos apat na milyong pamilyang Pilipino—katumbas ng tinatayang dalawampung milyong mamamayan—na benepisyaryo ng ating Pantawid Pamilya Program. Ayaw nilang manaig ang tuwid na daan; ayaw nilang pumanig sa taumbayan.

Ang balak nila: imaniobra mula ang pamahalaan pabalik sa lumang sistema. At ang tanong ko po ngayon sa aking mga Boss: hahayaan ba ninyong mangyari ito? Baka hindi ho nila narinig, dahil ‘yong iba ho doon baka may edad nang kaunti. Baka puwede n’yong lakasan: Hahayan ba n’yo? [Audience: “Hindi!”]

Salamat po.

Ngayong gabi, malinaw kung nasaang panig ang labindalawang kasama natin sa entablado. Nagmula man sa iba’t ibang partido’t samahan, katulad natin silang bukas ang puso’t isip na mag-ambag para sa pinakamainam na solusyon. Kahit pa alam nilang sangkaterba ang kakaharaping problema, nagkusa silang sumama sa atin, bitawan ang mga personal na interes, at tumulong para makabuo ng isang alyansang sabay-sabay na sasagwan tungo sa iisang direksyon.

Ilan sa kanila’y nakatrabaho ko’t na kasamang nilababan sa dating administrasyon; ang iba naman ay nagpapakitang-gilas na sa kani-kanilang posisyon at tumugon sa panawagan ng taumbayang maglingkod sa mas mataas na panawagan. Sama-sama po nating salubungin ang Team PNoy: mga Pilipinong tunay na tuwid sa daang matuwid. [Applause]

Una po sa ating listahan—si Senador, o magiging Senador sa tulong po n’yo, Edgardo “Sonny” Angara: isa po sa mga pinakabata’t pinakamasigasig nating kongresista; Handang-handa na niyang itawid ang talino, ideyalismo, at napatunayang serbisyo mula sa Kongreso, patungong Senado. Sa pagsulong ni Sonny sa edukasyon, turismo, at kalusugan, sama-sama nating isisigaw na talaga namang “Ang gara ng Pilipinas!”

Ang susunod ko pong ipapakilala sa inyo, obvious pong hindi ko anak, at malamang naman talagang hindi ko pamangkin, mas mukha pong classmate, pinsan ko pong si Benigno “Bam” Aquino: ang pambato ng bagong henerasyon. Nasa dugo na niya ang pagseserbisyo—bilang youth leader at social entrepreneur, kaliwa’t kanan na ang natanggap niyang parangal mula sa pagiging pinuno ng National Youth Commission, hanggang sa microfinance na nakatulong sa maliliit na negosyo, kitang-kita na kay Bam, Bida Ang Mamamayan, lalo na ang kabataan.

Ito po’y nakasama ko sa Kongreso at sa Senado, susunod na ipapakilala ko sa inyo, Si Alan Peter Cayetano: Compañero natin sa Senado; kay Alan, walang lugar ang katiwalian sa pamahalaan—mula ZTE-NBN deal, hanggang sa pambababoy sa swine dispersal—masinsinan niyang inimbestigahan ang mga anomalya ng dating administrasyon. Bilang lingkod-bayan, itutuloy ni Alan ang kanyang krusada para sa katotohanan.

Susunod naman po, isa na naman naming nakasabay namin sa Kongreso at Senado, walang iba kundi si Chiz Escudero: ang boses ng taumbayan sa Senado. Sa pagpapamalas ng sigasig at talino sa pagseserbisyo, at sa pagsupil ng tiwali sa gobyerno, walang katiwaliang makakalusot, hindi tayo mapapaikot habang tinutugis natin ang katotohanan sa Senado. Magiging maunlad ang kinabukasan ng mga Pilipino; mapapataba pa ang puso nating lahat.

Si Risa Hontiveros: laging naninindigan para sa magandang laban; itutuloy ni Risa sa Senado ang krusada ng mabuting pamamahala, at pagsulong sa karapatan ng kababaihan, at ng mga higit na nangangailangan. Napakasikat pong personalidad nitong si Risa; puwedeng nagkaroon ng glamorosong at mas tahimik na buhay sa harap ng camera. Pero habang inaaruga nang nag-iisa ang kanyang mga anak, pinili pa rin niyang makasangga natin. Nasa panig po lagi siya ng mga madalas maiwan sa laylayan, upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa lipunan: Risa Hontiveros po.

Ipagpapatuloy din po ni Loren Legarda ang kanyang mga adbokasiya para sa kababaihan, kalikasan, at kalusugan. Marami rin pong ‘di nakakaalam, na sa likod ng kanyang kagandahan, at sa kabila ng napakaraming batas na kanyang inakda, isa rin siyang Lieutenant Colonel sa reserve forces ng ating Sandatahang Lakas, at tapat na kaibigan ng ating mga kapatid na Muslim: Loren Legarda po.

Ang pinakamagalang nga po na kandidato sa Pilipinas, si Grace Poe: ang hinirang nating Chairperson ng MTRCB; tumitindig si Grace para ipagpatuloy ang pagiging tinig at tagapagtanggol ng masa. Minana po niya kay Da King ang kababaang-loob at malasakit sa taumbayan. Bilang dating preschool teacher, alam niya ang mga pangangailangan at hangarin ng ating kabataan. Sa Senado, ibabandera rin niya ang sining at kultura; ibibida niya ang kapakanan ng pamilyang Pilipino: Grace Poe po.

Siyempre kasama din natin, si Jamby Madrigal na diretso sa salita, diretso sa gawa; mahal ang mahirap, galit sa corrupt. Walang-takot na ipagpapatuloy ni Jamby sa Senado ang pagsupil sa korupsyon, upang isulong ang mga batas para sa kababaihan, kabataan, at kalikasan. Subok na po siyang kakampi natin sa daang matuwid. Jamby Madrigal.

Susunod naman naman pong ipapakilala ko sa inyo ay si Ramon “Jun” Magsaysay Jr. Siyempre po, nakakabit na sa kanyang pangalan ang paglilingkod-bayan. Tinitingala ng marami si Jun dahil sa di-matatawaran niyang kontribusyon sa pamahalaan, lalo na sa sektor ng agrikultura, negosyo, at kabataan. Tulad ng kaniyang paglalantad sa fertilizer scam, sinisiguro ni Jun Magsaysay na walang puwang ang mga tiwali’t mapang-abuso sa gobyerno. Muling tinatawag ng Senado ang Tunay na Magsaysay na hindi nagpapasilaw sa kapangyarihan—siya po ang magsisilbing konsensya at kuya ng ating mga Senador: Jun Magsaysay.

Si Koko Pimentel po baka hindi po ninyo alam, medyo “mahina” ho ito sa pag-aaral, BS Math ang kinuhang kurso, at hindi lang ho cum laude ata ang nakuha. Pumasok ng law school at medyo nakuntentong na pong naging Bar top-notcher, kung hindi ako nagkakamali. Si Koko Pimentel po respetadong abogado at lingkod-bayang alagad ng katotohanan. Sa anim na taong mandatong ipinagkaloob sa kanya, isang taon [at] sampung buwan lang ang pinanungkulan niya—isipin po n’yo, binigyan n’yo ng anim na taon, binigyan ng kung sino man on year and ten months lang.

Isipin na lang po natin, kung naging buo ang panahon ng kanyang pagseserbisyo, puwede pong mas marami pa ang nagawa niya. Alam po n’yo, noong hindi nga siya pinalad, at nadaya, puwede pong tumakbo na lang siya para sa ibang pusisyon at mag-withdraw ng protesta. Nakapagsilbi agad sana siya kung naghabol siya ng ibang puwesto, pero para sa kanya, kailangang manindigan; kailangang manaig ang tinig ng taumbayan; kailangang makamtan ang katarungan. Ipagpapatuloy niya ang laban ng kanyang ama ukol sa lokal na pamahalaan. ‘Wag po natin kakaligtaan, Koko Pimentel.

Si Sonny Trillanes: isang magiting na sundalo, masigasig na miyembro ng Senado, kauna-unahan ho yatang nag-hearing sa Camp Crame nang mas madalas (tama ba ‘yon, Sonny?). Sa kanya, una lagi ang kapakanan ng taumbayan. Sinumang tiwali at mapang-api, talagang dadaan muna kay Sonny. Sonny Trilianes, ‘wag po nating kalimutan.

Si Cynthia Villar: ang ating Misis Hanep Buhay; mula Kamara, ihahatid niya sa Senado ang pagbibigay-hanapbuhay sa ating mga kababayan, lalo na sa mga inang nangangailangan. Alay niya ay biyaya sa mga walang-wala, gagawing hanep ni Cynthia ang buhay ng mas marami pa nating kababayan. At idagdag ko lang po, noong siya po, bilang may bahay ng ating dating Speaker Manny Villar, noong ako po’y bagong Kongresista, tumayo po—‘wag pong mamasamain—parang ina na rin po namin. Nag-aruga, naturo po sa amin, at masasabi ko ho sa inyo ni kailan man, hindi po baluktot mag salita ang Cynthia Villar, maasahan ang kanyang salita.

Sila po ang labindalawang tiyak nating tuwid sa daang matuwid.

Galing po sa unang listahan ng apatnapu, sa tulong ng lahat, hinimay po natin ang kanilang mga kakayahan at pagkatao; binuo po natin ang mga kasama sa ating agenda ng pagsugpo sa katiwalian, at pag-angat ng kabuhayan ng ating mamamayan. Pinagbuklod po natin ang mga taong bayan muna bago sarili ang iisipin. Tutal naman po ay pinag-uusapan na natin ang tuwid na landas, magpapasalamat na rin po tayo sa isa pang tunay nating kasangga.

Narito po tayo ngayon sa kagandahang-loob ni Mayor Fred Lim—alam kong alam ninyo, isa pong action star sa totoong buhay. Hindi po kathang-isip ang mga benepisyong nadala niya sa Maynila—hindi lang po siya nagtayo ng mga ospital, ginawa pa niyang libre ang pagpapagamot para sa mga mahihirap. Sa totoo lang po, kung minsan po gusto ko magpa-seminar kay Mayor Lim. Paano mo ho ba napagawa, dahil puwede naman pong isang floor lang eh. Tatawaging ospital; ‘yong ma-accommodate apat na tao, libreng ospital. Pero kay Mayor Lim po maraming palapag ang kanyang mga ospital na naipatayo. Ako po’y nagbabalita lang ng totoo.

Sa aking mga Boss: sa darating na Mayo a-trese, muli tayong haharap sa sangandaan. Nakaatang sa ating mga balikat kung aling landas ang tatahakin ng ating bansa. Kukunin ba natin ay ang mga tutulong para lalo pang pabilisin ang pagbabago ng atin pong lipunan? O ang kukunin ba natin ay ang mga pilit na hahadlangan ang pagbabagong minimithi natin?

Dito sa atin, iisa ang ating tutok: Ang katuparan ng ating mga pangarap. Sa kabila naman po, lahat na yata ng punto ng compass, sinaklaw; lahat ng latak ng lumang sistema, isinama. Saan po kaya tayo pupulutin, kung ganoong naghahatakan sa sali-saliwang direksyon ang pipiliin nating mga kasama? May ilan sa kanilang magsasabing, nilalabanan namin ang katiwalian. Matanong ko lang po: Kung ganoon, bakit ninyo kakampi ngayon ang mga tagapagtanggol at nakinabang sa nakaraang administrasyon? Ano po ba talaga ang pinaninindigan ninyo? [Applause]

Ang bawat posisyon po sa senado ay mahalaga sa ating isinusulong na agenda. Nasaksihan po ninyo ito noong impeachment trial, kung saan mapalad tayong may dalawampung senador na nanindigan para matapos na ang pang-aabuso sa ating hudikatura.

Ang mga nagawa natin, patunay na hindi imposibleng maabot ang ating mga adhikain; nakamtan natin ang mga tagumpay na ito sa loob ng dalawa’t kalahating taon. Natural po ang kasunod na tanong: Bakit hindi nila ito nagawa sa siyam at kalahating taon na lumipas? Bakit napabayaang magdusa pa nang halos isang dekada ang mga kababayan nating puwede palang nairaos na? Ilan kaya ang napagaling o hindi na napalala ang karamdaman, kung ang mga Philhealth beneficiaries ay nai-enrol na noon pa? Ilan kaya sa mga kabataang kung nakatanggap ng Pantawid Pamilya, ay naka-graduate na sana? Lahat ng tinatamasa natin sa kasalukuyan, puwedeng nakuha na natin noong nakaraang dekada. At eto na naman po silang mga nakinabang sa dating bulok na sistema, umaasa sa boto ninyo, umaasang malilinlang na naman tayo sa kanilang mga pangako. Magpapaloko pa po ba tayo? [Audience: “Hindi!”]

Marami pa po tayong nais na ihatid na makabuluhang programa sa bansa; may mga kababayan pa rin po tayong nangangailangan ng pagkalinga’t naghahangad ding mabigyan ng pagkakataon para itimon ang sarili nilang kapalaran. Hindi ko po ito kayang gawing nag-iisa. Kung nais nating magtuloy-tuloy ang pagbuhos ng mabubuting pangyayari sa ating bansa; kung gusto nating magpamana ng makabuluhang kinabukasan sa ating mga kabataan; kung gusto nating dumami pa ang mga positibong bunga ng ating tuwid na daan, kailangang dalhin natin ang buong Team PNoy sa Senado. [Applause]

Sila ang labindalawang kasama natin sa Team PNoy: buong-buong humaharap sa inyo ngayong gabi, at hindi liliban o tatanggi sa panawagan nating ituloy ang krusada ng katapatan, katarungan, at malawakang kaunlaran. Kumpleto silang tumitindig dito sa Plaza Miranda, sa dambana ng demokrasya’t kalayaan, bilang tanda ng kanilang panata sa mamamayan: hindi sila magnanakaw, hindi nila ipagkakanulo ang tiwala ng sambayanan, at lagi nilang isasaalang-alang ang inyong kapakanan. Nanunumpa ang buong Team PNoy na iisa lamang ang kanilang pinapanigan: Sa panig ng tapat na pamahalaan. Sa panig ng tuwid na daan. At siyempre, sa panig ninyo—ang nag-iisa naming mga Boss—ang taumbayan.

Sa pagtatapos po, may mga nagtatanong ho sa akin, medyo dumadalas: Paano ‘pag dating ng 2016? Ano ang solusyon natin? Baka naman temporary lang ang nangyayari sa atin. Ang parati kong sagot: Kaya tayo nagbago, dahil sa ating mga Boss. At ang mga Boss natin ang susi para maniguradong ang pagbabagong ito ay manatili maski pagdating ng panahong ako po’y nagretiro na. ‘Yan po ang paniniwala ko; buo ang tiwala ko sa inyong lahat tuluy-tuloy na po tayo sa matuwid na landas.

Magandang Gabi po. Maraming salamat sa lahat.


Chief News Editor: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2013 by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE