FASH MALALAGASAN NG PLAYERS SA PAGPASOK NG ATENEO SA PBL

MANILA, February 11, 2004  (PilipinoSTAR) Ang akala ng lahat, hindi maaapektuhan ang PBL Platinum Cup Champion Fash Liquid Power sa pag-akyat ng ilan sa kanilang mga players sa professional basketball.

Pero may balitang lima pa sa miyembro ng Fash team na binubuo ng core ng Ateneo Blue Eagles ay ipapatawag ng kanilang collegiate school na posibleng maglahok ng kanilang sariling team sa PBL.

Ito ay sina point guard LA Tenorio, shooter Larry Fonacier, center Paolo Bugia at reserved players JC Intal at Douglas Kramer.

Isang impormante ang nagsabing magre-reapply ang Ateneo sa PBL na dadalhin ang pangalan ng isang clothing company o fast food chain.

Nais ng Blue Eagles na gamitin ang kanilang exposure sa PBL tournament bilang preparasyon sa 2004 University Athletics Association of the Philippines kung saan nais nilang mabawi ang naagaw na titulo ng Far Eastern.

Nakinabang ang Ateneo sa paglalaro sa PBL nitong huling dalawang taon sa ilalim ng Hapee Toothpaste kung saan nanalo sila ng titulo bago naisubi ang korona sa 2002 UAAP nang kanilang igupo ang arch rival na La Salle.

Inaasahang makakarating na sa Commissioner’s office ang application ng Ateneo at kung tatanggapin ito ay obligadong pakawalan ng Fash ang limang players.

PBA Sports Camp idaraos ngayon Pilipino STAR Ngayon 02/11/2004

Titipunin ng Philippine Basketball Association ang bumubuo ng lahat ng 10 teams ngayon sa isang Sports Camp sa The Fort sa Makati City para sa day-long orientation seminar bago magsimula ang Fiesta Cup sa February 22.

Ang event na ito na konsepto nina Commissioner Noli Eala at Chairman Buddy Encarnado, ang kauna-unahan sa liga, ay naglalayong ma-orient ang mga players, coaches at team officials ng kanilang respon--sibilidad sa kanilang teams, fans at sa liga.

"We’re looking forward to a big season and we’re hoping everyone in the league -- from the players to the coaches to the officials down to the team personnel — would be on the same page in this endeavor," ani Eala.

Bukod kay Eala at Encarnado, ang iba pang speakers sa seminar na magsisimula sa ganap na alas-8:00 ng umaga ay ang mga pinuno ng marketing, technical at media arms ng liga.

Ang technical staff na pinangungunahan ni Perry Martinez ang magtuturo sa mga players at coaches ng mga bagong rules na gagamitin sa bagong season habang io-orient naman ng opisyal media bureau ang mga players ng tamang paraan ng pakikitungo sa media.

Ang mga marketing people ang magtuturo sa mga team members ng kanilang responsibilidad para manatiling maganda ang imahe ng liga sa masa.

"The foremost duty of these players and coaches is to give their best during games," ani Eala. "But more than that, they also have responsibilities off the court that they must be able to handle properly, and we hope to help them with that."


Reported by: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2003  by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE