5 ILOILO INMATES GIVE SELVES NEW YEARS EVE FURLOUGH

ILOILO CITY, January 2, 2004 (STAR) By Leo Solinap - Five inmates bolted the district jail here to spend New Year’s Eve with their families, then surrendered yesterday to police.

Leony Gamboa, Dennis Paderog, Leo Glory, Ernesto Guillergan and Denmark Jeoterial escaped from their Bureau of Jail and Management cells early Wednesday morning to greet their loved ones a happy New Year.

Guillergan later told police they had planned their escape weeks ago, sawing the steel bars of their cell little by little. He said they had no intention of running away from the law but merely wanted to spend New Year’s Eve with their families.

Chief Inspector Ramon Alor, deputy district jail warden, said he was happy the inmates surrendered after just a day of freedom.

Alor said the five inmates have different cases pending in court and were not yet due for transfer to the New Bilibid Prisons in Muntinlupa City.

Alor, however, said that despite the surrender, some of the escapees’ privileges have been suspended.

The inmates surrendered yesterday morning to officials of Barangay Tacas of Jaro district here and the police.

EDITORYAL - Positibong Pinoy sa 2004 Pilipino STAR Ngayon 01/02/2004

MASAYANG sinalubong ng putok at pailaw ang 2004. Kahit na nakaranas ng hirap, maraming sinagasaan ng kalamidad, positibong sinalubong ng mga Pinoy ang Bagong Taon.

Sa pinaka-latest na survey ng Social Weather Stations (SWS), sinabi na 90 porsiyento ng mga Pinoy ay naniniwalang magiging maganda ang hinaharap ngayong taong ito. Punumpuno umano ng pag-asa ang mga Pinoy taliwas sa mga sinabing natatakot sa pagpasok ng 2004. Maraming lugar sa bansa na pinagkunan ng survey ay mataas ang porsiyento na malaki ang pag-asa nila ngayong taon. Pinaka-optimistic ayon sa survey ang parte ng Kabisayaan, pero humahabol din ang mga taga-Mindanao at sumunod ang Luzon. Ang mga nagsabing hindi sila magiging maligaya ay nasa 23 percent lamang o mas mababa pa.

Positibo ang mga Pinoy. Isang magandang palatandaan na sa kabila ng mga naranasan ay naroon pa rin ang matibay na pananalig. Nakatutuwang malaman na kahit sa parte ng Kabisayaan at Mindanao, kung saan ay may naganap na mga trahedya at karahasan ay mataas pa rin ang kanilang paniniwala na may magandang mangyayari at ang lahat ay uunlad.

Tatlong bayan sa Southern Leyte ang grabeng sinalanta ng landslide tatlong araw bago mag-Christmas. Gumuho ang bundok dahil sa walang patlang na pag-ulan at tinabunan ang mga kabahayang nasa paanan niyon. Mahigit 200 katao ang namatay at marami pa ang sugatan. Marami pa ang hindi nakikita. Isinisisi ang landslide sa walang habas na pagputol ng mga punongkahoy doon. Ang karahasan sa maraming bahagi ng Mindanao sa nakalipas na taon ay nagdulot ng pagkalagas nang maraming buhay. Binomba ang Davao airport, Sasa wharf, at marami pang malalagim na pangyayari. Patuloy din naman ang pagkidnap ng mga teroristang Abu Sayyaf at ang kinatatakutang Jemaah Islamiyah na pinaniniwalaang nasa likod ng mga malalagim na pambobomba maski rito sa Metro Manila.

Sa kabila ng mga masasakit na karanasan, positibo pa rin ang Pinoy. Naniniwala na ang lahat ng pagdurusa ay may kapalit na ligaya. Malaki ang pag-asa na magkakaroon ng maayos at mapanatag na buhay sa hinaharap. Iyan ang isang malaking pagkakaiba ng mga Pinoy sa ibang lahi. Ayon sa survey mas positibo ang mga Pinoy kaysa sa mga German. Kung ang Pinoy ay 90 percent ang pag-asa ngayong 2004 ang mga German naman ay 41.16 percent lamang. Iba talaga ang Pinoy!


Reported by: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2003  by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE