SHOWGIRLS SA NEW CASINO FILIPINO-ANGELES

Manila, July 14, 2003 Pilipino STAR Ngayon 07/14/2003 - Siguradong mag-iinit ang Entertainment Center ng bagong Casino Filipino-Angeles kapag rumampa at humataw sa dance floor ang mga sexy stars na bumubuo ng dance concert na pinamagatang Showgirls.

Nakatakdang ganapin sa July 26, sa ganap na alas-nuwebe ng gabi, ang Showgirls ay kinabibilangan nina Regine Tolentino, Geneva Cruz, Aleck Bovick, Michelle Bayle, Jenny Miller, Angelica Jones, Michelle Estevez, Apreal Tolentino, Cherry Lou at ang nagbabalik na si Priscilla Almeda. Gigiling ang mga bombshells na ito sa musika ng mga international dance divas tulad nina Madonna, Cher, Donna Summer, Kylie Minogue, Janet Jackson, Gloria Estefan, Britney Spears, Jennifer Lopez, Christina Aguilera at Shakira.

Kasama rin sa naturang palabas ang mga sexy at "naughty" singers na sina Ethel Booba at Tuesday Vargas. Gayun din ang Whiplash at Groove Manila bilang mga back-up dancers.

Sa mga nais bumili ng tiket, tumawag sa telepono numbers 911-5555 (SM Ticket), (045) 332-1196 to 98 (Casino Filipino Angeles) o sa 920-2643/(0918) 922-1542 (Live Artists Production).


Reported by: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2003  by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE