OPINYON: PAGPIGIL SA PAGBULUSOK NG PISO NAKASALALAY KAY GMA

MANILA,  February 8, 2004 (PilipinoSTAR) PANAGINIP LANG Ni Nixon T. Kua Pilipino - Nitong nakaraang ilang araw ay hindi na napigilan ang pagbulusok ng piso laban sa dolyar. Kung dati ay hindi ito lumalagpas ng 56 nitong nakaraang ilang araw ay humataw na ito at nanganganib pang pumalo ng 57.

Kahit si Romulo Neri, isa sa mga bataan ni Madam Senyora Donya Gloria ay umaming tataas pa ang piso kontra dolyar. Dagdag pang problema nito ay mas malaki ang ginagastos ng gobyerno kesa sa koleksiyon kaya lalong babagsak ang piso. Ito ho yung budget deficit na tinatawag natin.

Ang Malakanyang naman na hindi maamin na kasalanan nila ang nangyayari dahil sa kapalpakan ng ekonomiya ay tinuturo ang lahat ng tao at bagay upang magpalusot.

Hirit agad ni Madam Senyora Donya Gloria na sobrang pamumulitika raw ang dahilan kung bakit nawawalan ng tiwala ang mga negosyante at dayuhang investors sa ating bansa.

Pinagbintangan rin nila ang oposisyon kasama na si Fernando Poe Jr., Panfilo Lacson at ang mga kandidato nila sa pagka Senador sa pagbagsak ng piso laban sa dolyar.

Sinisisi rin nila ang mga miyembro ng media dahil puro masamang balita raw ang binabalita at sobra raw ang pamumuna sa mga pagkakamali nila. Bakit hindi nila isipin na kung matino sila di walang pupunahin ang media na siya nang naging sumbungan ng sambayanan at hindi ang gobyernong wala na silang tiwala.

Nginuso rin ng Malakanyang ang mga sundalong miyembro ng Kawal dahil bakit raw nila nilabas ang kanilang hinaing sa publiko. Para namang pakikinggan nila ang mga batang opisyal kung magbubuhos ng hinaing. Hindi ba yan ang dahilan kaya napilitang mag Oakwood ang mga opisyal ng MAGDALO.

Sa ginawa raw ng grupong Kawal ay bumagsak ang piso laban sa dolyar. Patunay lang yan na ang tingin ng mga dayuhan at pati na mga local na negosyante rito sa atin na isa tayong banana republic.

Walang katiwatiwala ang mga dayuuhan, hindi sa mga Pinoy na alam nilang magagaling, matiisin at maabilidad kung hindi sa gobyerno at administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.

Paano naman sila magtitiwala, alam ng lahat, puwera ang Malakanyang na ampaw ang ating ekonomiya. Nagkalat pa ang krimen at karamihan pang kasangkot ay opisyal ng ka Pulisan.

Hindi pa nakontento diyan ang mga taga administrasyon, gawin pa nilang baka ang mga negosyante at gatasan nila ng gatasan. Nadidismaya tuloy ang mga investors at negosyante, lalayas at pupunta sa ibang bansa kung saan ilalagak nila ang kanilang puhunan kung saan nakakatiyak sila na hindi sila hihingian o di kaya’y mabibiktima ng krimen.

Pero may panahon pa, hindi pa huli ang lahat. Ang tanging solusyon ay nasa kamay ni Madam Senyora Donya Gloria. Bakit hindi niya panindigan ang nauna niyang salita nuong Disyembre 2002 sa Baguio kung saan sinabi niyang di na siya tatakbo at aayusin na lang ang bansa.

Tiyaka babalik ang tiwala ng negosyante dahil magkakaroon ng stability at kahit kulay pulitika ay maaaring magbago. Mas malaki rin ang posibilidad na hindi rin tumuloy ang ibang tumatakbong Pangulo dahil maghihilom ang sugat ng EDSA 2 at EDSA 3.

Yan, Madam President ay kung mananaig ang sinasabi niyong pagmamahal sa bayan at hindi sa sariling interest at pride. May panahon pa po at marami ang umaasa na gagawin n’yo ang sakripisyong ito.

Text lang kung naniniwala kayo sa ating solusyon na umatras ang Pangulong Gloria at ayusin na lang ang bansa sa natitirang ilang buwan niyang panunungkulan. Text lang sa 09272654341.

* * *

Tama c sen. panfilo lacson dpat alisin na ang pork barrel dhil yan ang ugat ng katiwalian ˆ09185739009. pork o beef barrel? Pag natuloy budget reenact 2003, beef barrel o long barrel funds ang lalabas dahil mas maha, pagaagawa mga ganid na politico ˆ 09207154124.

Pinagmalaki pa ng opposition na may anak sa labas si fpj. Anong klaseng moralidad meron sila ˆ 09186506289. pno tyo unlad, sobra pulitika ˆ 09167275037. dpat lging pgusapan c jose pdal pra mlaman ng msa kung gaano kacorrupt ang gobyerno ntin sa ksalukuyan ˆ 09196569793.

GMA anong cnabi mong umasa sa bayang asenso! E lubog n nga ating byan. ˆ 09205552132. jose pidal lhat ng kyamanan ng pinas nsa iyo na. pag sobra ang pera sa demonyo na, kya makakarma ka pagdating ng takdang araw. Pra sa yo mtakot k s karma ˆ 09163947990.

Gloria at jose pidal at buong pmilya niyo, kbayo at manok at ulam niyoo lagi. Kami tuyo, itlog at sardines lang araw araw. Maawa naman kayo mga ganid kayo ˆ 09212791069.

Ilan p kya ktulad ni lacson? Gus2 ko prinsipyo nya, yan ang may k maging lider, may disiplina ˆ 09198803348. ang sbi ni gma dpat bumaba na si erap kasi daw tumaas ang dolyar, e ngayon masyado ng tumaas kya dpat baba na din sya ˆ 09195073600.

Mbuti p c pidal mrami pera khit di cya trabaho wla problem. Smantalang kaming mga ofw nagpapaalila sa dyuhan pra mkaahon sa hrap, srap ng buhay niyo mdam at jose pidal ˆ 09176624232. Kala b ntin mgaling na ekonomista c Gloria? Nsaan ba ang galing kuno nya? Puro lang pahirap sa taong bayan, umpisa ng umupo siya lalong hirap. ˆ 09163766099.

Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa nixonkua @yahoo.com o kaya‚y magtext sa 09272654341. Mapapakinggan niyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon mula Lunes hanggang Huwebes.


Reported by: Sol Jose Vanzi

© Copyright, 2003  by PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved


PHILIPPINE HEADLINE NEWS ONLINE [PHNO] WEBSITE