LORNA TOLENTINO DEADMA SA
LOVE SCENES NINA ARA AND RUDY
(from Manila Bulletin by Rowena Agilada)
Quezon City, Feb. 16, 2000 - Hanggang second week na lang ng April ang ''Liwanag ng Hating-gabi,'' show ni Lorna Tolentino na napapa-nood sa GMA-7 every Monday at 9:30 p.m. Natapos na ni LT ang taping para sa re-maining episodes nito at nag-uusap na sila ni direk Joel Lamangan para sa next TV show na pagsasamahan ni-lang muli. ''Parupa-rong Putik'' ang title nito.
Natapos na rin ni LT ang pagdurusa sa prosthetic make-up niya sa “Liwanag ng Hatinggabi.” Ngayon lang daw niya na-appreciate ang pagdu-rusa ni Christopher de Leon sa prosthetic make-up nang gawin nila noon ang peli-kulang “Gaano Kita Kamahal.” Sabi ni LT, payag siyang magpa-kalbo, huwag na lang maulit na mag-pros-thetic make-up siya.
Napanood na ni LT ang "Palaban" na pinagbibidahan ng husband niyang si Rudy Fernandez. Narebyu na ito ng MTRCB at okey lang sa kanya ‘yung shower scene nina Rudy at Ara Mina. Deadma lang si LT, pati sa love scenes ng dalawa. Panonoorin nga raw niya uli ang “Palaban.” Sasama siya kay Rudy sa premiere night nito on February 25 na gaganapin sa SM City North Edsa.
Last Valentine’s Day, magkasama sina Rudy at LT na nagpunta sa iba’t ibang barangay sa QC. Nag-join sila sa iba’t ibang affairs na ginanap bilang cele-bration ng Araw ng mga Puso.
Reported by: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 2000 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved