ALBERT KATAMBAL NINA NORA
AT VILMA
(From Pinoy Showbiz <http://www.web.net/~showbiz>
Published in Tagalog language in Toronto by Jack Congson)
Manila, Oct. 15, 1998 - Hindi lang maswerte si Albert Martinez sa kanyang asawang si Liezl Martinez kundi super swerte si Albert sa kanyang showbiz career. For the record, siya na yata ang pinaka-successful sa lahat ng comeback sa showbiz.
Nanalo siya ng awards for SEGURISTA at naging si Jose Rizal siya sa DAPITAN. Itinambal siya kay Sharon Cuneta sa NANG INIWAN MO AKO. Earlier this year sina Elizabeth Oropesa at Amanda Page and kanyang naka-romansa sa TATSULOK ni Tikoy Aguiluz.
Tatapusin ni Albert ang taon with two big movies. Ang una ay ang BATA, BATA PAANO KA GINAWA? Kasama and Star for All Seasons na si Vilma Santos. Posibleng makapasok and SIDHI kasama ang Superstar na si Nora Aunor sa MIFF. Sabi pa ni Albert na ang SIDHI ang boldest movie niya dahil meron siyang nude scene na naliligo siya sa ilog habang sinisilipan siya ni La Aunor.
Reported by: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 1998 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved