SYOTA NINA AGA,
ROMNICK AT BOBBY,
(From Pinoy Showbiz, Pahayagan in Tagalog <http://www.web.net/showbiz>
Toronto, ON, Sept. 26, 1998 - Non-showbiz girls ang mga syota nina Aga, Romnick at Bobby. Dati ay Aga-Dayanara, Romnick-Beth, Bobby-Angelu - Hindi na mga artista ang mga gilrfriends ng mga nabanggit na aktor.
Akala ng marami ay nagbalikan na sina Aga at Dayanara noong bumalik si Daya sa Pinas para gumawa ng Pelikula. 'Yun pala ay may tinatagong girlfriend si Aga na si Lelissa Fernandez na isang pre-school teacher graduate ng Assumption College at De La Salle U. Noong blessing ng kanyang dream house sa Ayala ay isa si Melissa sa mga chosen guests at naipakilala na siya sa mga parents ng dalaga.
Hindi pala ang step daughter ni Cherie Gil na si Renee Rogoff ang jowa ni Romnick Sarmenta. Ito ay isang simpleng kolehiyala at lagi daw binibisita ni Romnick along with Cris Villanueva sa apartment nito na yaya lang ang tanging kasama ng dalaga.
Dahil walang nangyayari sa loveteam nina Angelu at Bobby, idinisplay na ni Bobby ang kanyang tunay ni GF na estudyante ng St. Scholastica. Naging student-trainee ito sa Viva Films at doon sila nagkilala. Pero how true na ayaw ng parents ng Filipino-Chinese gf ni Bobby sa kanya?
Reported by: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 1998 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved