ALMA CONCEPCION PINALAYA
(From PINOY SHOWBIZ published in Toronto
<http://www.web.net/~showbiz>)
Manila, Sept. 21, 1998 - Halos isang buwan nakulong si Alma Concepcion sa Guam dahil sa pagdadala ng Shabu noong Hulyo 28 sa Guam International Airport mula sa Saipan pabalik ng Pilipinas.
Binigyang laya siya ng US Federal District Court sa Agana, Guam noong Agosto 28. Inutusan si Alma na gumawa ng anti-drug video announcement na gagamitin sa Amerika at sa Pilipinas.
Magbabayad din si Alma ng halagang $5,800 para sa anti-drug campaign ng Salvation Army sa Guam. Magre-report din siya sa federal probation officers sa Guam sa pamamagitan ng pagtawag sa telephono.
Ang huling pelikulang naipalabas na tampok ang 1994 Bb. Pilipinas International ay APRIL, MAY, JUNE.
Reported by: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 1998 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved