PBA CENTENNIAL TEAM YUKO SA CHINA
Manila, Aug. 29, 1998 -
Ipinamalas ng China ang kanilang pormang pangkampeon ng kanilang daigin
ang PBA Centennial Dream Team, 78-70, sa kanilang one-game exhibition match
sa dinayong Araneta Coliseum.
Dinomina ng Chinese squad ang labanan sa pangunguna ni Gong Zioabin na kumamada sa huling parte ng labanan upang mamintima ng China ang 10 puntos na lamang.
Tanging nagbigay saya sa mga nanunuod sa Big Dome ng makalapit ang RP squad sa apat na puntos 48-52 mula sa basket ni Marlou Aquino. Ngunit mabilis na nakalayo ang China sa pamamagitan ng 7-0 run at muling ibalik ang 58-48 pangunguna.
Nagsumikap ang RP team sa pamumuno ni Johnny Abarientos at Andy Seigle na umiskor ng back-to-back basket at bahagyang dumikit sa 60-66, ngunit ang 7-2 produksiyon ng China ang muling nagbalik ng 11 puntos sa triple ni Lee Xiaoyoung patungong huling dalawang minuto ng labanan.
Hindi nakaforma ang mga Pinoy stars sa mas matatangkad na Chinese cagers at hindi nagamit ang "Triangle Defense".
Reported by: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 1998 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved