THE MARVIN-JOLINA LOVETEAM, OGIE, ETC..
Manila, Aug. 29, 1998 - So much have been written about Marvin Agustin and Jolina Magdangal, pero ngayong napatunayang may following and loveteam nila dahil sa kinita sa opening day ng kanilang first starring Labs Kita...Okey Ka Lang, seguro naman ay matitigil na ang sinasabing pagtutol ng magulang ni Jolina kay Marvin as on-and-off cam partner.
There's nothing wrong with that, Baby Talk's Salve Asis wrote, pwede na si Jolina kay Marvin dahil nagsisikap naman ang huli na magkaroon ng magandang image kontra sa ibinabato sa kanya.
Totoong may hindi magandang reputation ang family ni Marvin dahil sa kanyang convicted father sa kasong illegal possession of prohibited drugs pero seguro naman ay hindi gagawin ni Marvin na gayahin ang kanyang ama.
Showing pa rin ngayon ang Labs Kita..Okey Ka Lang which co-star Hilda Koronel, Gina Pareno, Gio Alvarez, Meryil Soriano and directed by Jerry Sineneng for Star Cinema.
With regards to Donita Rose, previous negative publicity has reported her being one of the Brunei beauties. Now unti-unti ng nawawala ang agam-agam tungkol sa kanya. Napapanood na siya ngayon sa MTV Asia. She is the third local celebrity na naging VJ ng MTV - the other two were Regine Tolentino and Giselle Toengi.
Pop singer Ogie Alcasid will celebrate his birthday in his TV program S.O.P. bukas, August 30. Kasabay sa birthday ni Ogie ay ang launching ng bago niyang single, "Ang Akala Ko" na kasama rin sa kanyang latest album na Ogie 10th-All The Best, mula sa Octo-Arts-EMI na binigyan ng gold record award last month.
Ang awiting "Ang Akala Ko" ay unang aawitin ni Ogie sa TV and the song was written by him at isinaayos ng Urban Flow, the group with Ogie at his hit single "Salawahan".
Reported by: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 1998 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved