MAYOR VILMA SANTOS RECTO NAOSPITAL
Manila, Aug. 16, 1998
- Isinugod sa ospital kamakailan si Mayor Vilma Santos Recto ng Lipa, Batangas.
Halos walang pahinga kasing ginagampanan ng Star For All Seasons ang
trabaho niya bilang ina ng bayan ng Lipa kaya bumigay ang katawan ng multi-awarded
actress.
Bukod sa ginawa niyang reorganisasyon sa mismong pamahalaan ng Lipa ay may mga pagkakataon pa ring si Mayor Vilma ang namumuno ng halos gabi-gabing ginagawang raid sa mga beerhouse at ilan pang mga bahay aliwan na kabilang sa mga nasasakupan niya.
Bukod daw sa pagpapalabas ng mga malalaswang palabas na karamihan daw sa mga parokyano ng mga ito at ang kabataan ng Lipa, 'yon din ang nagsilbing "negotiating points" para sa pagpapalusot ng mga ipinagbabawal na gamot.
"Huwag nilang maliitin ang kakayahan ko. Hanggang ako ang ina ng bayan ng Lipa,, hinde pwede sa akin ang mga bawal na gamot na 'yan," umpisang sambit pa ni Mayora. "Ang sa akin lamang ay ang kapakanan ng mga kababayan ko lalung-lalo na ang mga kabataan at mga kababaihan. Kailangang patunayan ko sa kanilang lahat na hindi ningas kugon ang anumang pangako kong gawin para sa kanila."
Hindi kaya natatakot si Mayor Vi na siya mismo at ang pamilya niya ang maaaring paghingantihan ng mga nasasagasaan niyang tao na mostly ay mula sa mga bigating tao sa lipinan?
"Well, pangako ko sa sinumpaan ko para sa mga kababayan ko na ano man ang mangyari ay gagampanan ko ang tungkulin ko bilang mayor ng bayan ng Lipa. As I have said, wala akong pakialam sa kahit na sinong masagasaan basta para 'yun sa kabutihan ng karamihan ng mga kababayan ko."
Vilma said that there will be no more films for her for now. Maybe a few TV promotions but her time is fully dedicated to her job as the mayor of Lipa City.
Reported by: Sol Jose Vanzi
© Copyright, 1998 by PHILIPPINE
HEADLINE NEWS ONLINE
All rights reserved